May edad na aktres nabubuhay sa filter ng telepono!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 26, 2019 - 12:00am

Nabubuhay sa filter ang isang ageing actress tuwing may post siya sa Instagram. Walang wrinkle and pores ang kutis sa mukha to think na may edad na rin siya.

Ay sabagay, nasanay sa retoke ang ageing actress. Sa tagal nang pagkakaretoke sa ilang parte sa mukha niya eh, hindi na bakas ang retoke.

Kung sa filter umaasa ang ageing actress para magmukhang bata, ang isa namang may edad na ring aktres ay sa make up umaasa para kuminis ang mukha, huh!

Hindi siya lumalabas ng bahay o nakikipag-usap sa mga tao nang walang make up na ilang oras bago matapos!

Movie nina Miguel at Bianca, ipalalabas na!

Walang maibigay na schedules sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kaya naman hindi na nagkaroon ng press conference para sa horror movie nilang Banal under APT Entertainment.

Eh, may Kapuso series na Sahaya sina Miguel at Bianca ngayon. Isinabay din nila sa taping ang shooting ng GMA Pictures na Family History.

Mabuti na lang, merong social media kung saan unang inilabas ang trailer at may TV spots naman sa Eat Bulaga ang trailer.

Ngayong gabi ang premiere night ng pelikula.

Pero baka naman kaya walang pressccon eh iniwas si Bianca sa issue sa kanya ngayon sa balitang nag-audition siya sa Darna movie nang walang paalam sa GMA Artist Center?

Sana makaligtas sa press na dadalo sa premiere si Bianca, huh! Nananatiling tikom pa rin kasi ang bibig ni Bianca sa isyu.

BIANCA UMALI MIGUEL TANFELIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with