Rachelle Ann ipinapahinga muna ang boses!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

Pahinga pala muna si international stage actress-singer na si Rachelle Ann Go-Spies. Ano kaya ang reason bakit siya nagpapahinga  ngayon? One week pa lamang siyang nagpapahinga, hinahanap na raw niya ang pagkanta sa harap ng kanyang audience, kaya nag-post siya sa kanyang Instagram wall:

“I’ve been off work for more than a week now!  Woohoooo! It’s nice to have a break (praise You Jesus!!!)  But seriously, I feel awful not to be able to sing for you all.  I feel like I can’t do anything at this point.  I can’t worry and stress out! I need to wait and rest my mind, body, soul and spirit.  I need to look after myself first and get back stronger.  Things happen for a reason and so I’m embracing this time.

Please pray for fully repaired and restored vocal cords, renewed strength and energy in Jesus’ Name Amen!!!”

Maraming sumagot sa kanyang request for prayer.  It’s time raw na magkaroon siya ng self-care dahil for the past two years daw ay diretso siyang nagpi-perform as Elsa for Hamilton sa West End.

Katatapos din lamang mag-celebrate ng kanilang first wedding anniversary ni Mark last April 19 at nagkaroon sila ng chance na magbakasyon sa Spain.

Bianca magkakaroon ng transformation!

May nabuo na palang Team Ahmad at Team Jordan among the netizens na sumusubaybay gabi gabi sa epic serye na Sahaya with Bianca Umali sa title role at ang Team Ahmad ay kay Miguel Tanfelix at ang Team Jordan ay kay Migo Adecer.

Siyempre ay mas maraming kampi kay Ahmad at feeling nila ay iniisahan ni Jordan ang binatang Badjao dahil kasama niya sa bahay si Sahaya at si Ahmad naman ay hindi makalapit kay Sahaya dahil ipinagbawal ng ina nitong si Ma­nisan (Mylene Dizon) para hindi raw ito maabala sa pag-aaral.

Maraming naghihintay ng transformation ni Sahaya kapag nag-aaral na ito sa college at makasalamuha na ng mga kaklase nila. 

With this, ready naman at excited na si Bianca sa pagbabago ng kanyang tahimik na character at magiging palaban na si Sahaya.

Ang Sahaya ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia.

Mikael at Megan sanay na sanay nang mamundok

Sinasamantala ng lovers na sina Mikael Daez at Megan Young ang summer at umakyat sila sa Atok, Benguet, para makaranas ng kakaibang “view from above.” 

Mahilig talagang umakyat sa mga bundok ang dalawa, na kahit noong pumunta sila ng Iceland, Japan at South Korea, hindi nila pinalampas na umakyat sa mga bundok doon.

“Ini-enjoy na muna namin ni Mikael ang summer dahil pagkatapos ay may gagawin na akong bagong suspense-thriller series, ang The Haunted Wife,” sabi ni Megan. 

Kasalukuyan naman napapanood si Mikael sa Alex and Amie with Max Collins every 8:30am sa GMA 7.

RACHELLE ANN GO-SPIES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with