Pinatulan kasi, Jimmy pinasikat ng blind items!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

Hindi namin nabasa dahil hindi namin napansin. Para sa isang mahilig sa comedy na kagaya namin, hindi namin mapapalampas ang huling kumedya ni Bikoy. Tapos may isa kaming kaibigang tumawag sa amin, na ang kuwento, “may mas malaking istorya kaysa kay Bikoy”.

Noon lang namin hinanap, dahil hindi namin friend sa Facebook si Jimmy Bondoc at hindi namin nakikita talaga ang posts niya.

Binasa namin ang post ni Jimmy at nagtanong kami pagkatapos, ano ang issue? Sinabi niya na natutuwa siya na may isang mala­king network na malapit nang magsara. Hindi naman niya binanggit kung anong malaking network iyon. May binabanggit siyang “sexual favors”, eh ano naman ang bago roon? Nagkalat ang mga blind item na ganyan. Kami lang eh marami kaming nakukuhang kuwentong ganyan araw-araw eh, sa showbiz pa?

Wala pa rin kaming interest eh, dahil ang naisip namin gagana ang damage control ng kung ano mang network na iyan. At base sa aming experience, ang pinakamagandang damage control sa ganyang bagay ay manahimik ka.

Isipin ninyo, ilan ang friends sa social media ni Jimmy Bondoc? Maliban sa kanyang “friends” sino pa ang makakaalam ng kanyang sinasabi? Pero palpak ang damage control, kasi mayroon agad nag-react. Dahil diyan, mas lumawak ang audience. Balikan natin, ilan ang followers ni Jimmy Bondoc sa social media? Ngayon, idagdag mo riyan ang followers ni Angel Locsin, eh halos doble na ang nakaalam noon. May iba pang pumatol at dahil doon naging viral ito sa social media. Naging isang lehitimong issue, kaya maging ang mga lehitimong diyaryo ay iyon na rin ang kuwento. Hindi kami magtataka na baka lumaki pa iyan at kung mangyayari iyon, pag-uusapan pa iyan sa television news.

Hindi nila natabunan kung ano man ang inilabas ni Jimmy Bondoc. Lalo lang lumaki ang issue at mas dumami ang nakaalam noon. Kung hindi sila nagsagutan, wala sanang nakaalam. Matatakpan iyan ng kumedya ni Bikoy. Sa ginawa nila, gumitna pa sila at tinakpan si Bikoy.

In the first place, nagtataka kami kung bakit ganoon ang reaksiyon nila. Wala namang tinukoy kung anong network. Maraming network na maaaring magsara. May network na hindi na mapasuweldo ang mga tauhan nila, puwedeng magsara iyan. May isang network na ano man ang gawing show, wala talagang nagri-rate, maaari ring magsara iyan. Ni walang sinabi na magsasara ang network dahil sa expired na franchise. Iyong ibang networks na puwedeng magsara na rin, hindi umimik.

Iyon ang pinakamagandang attitude eh, palabasin mong ano ba ang kinalaman ko sa sinasabi niya, unless may mailabas siyang mas solid na ebidensiya laban sa akin, o banggitin man lang ang kumpanya ko. Kaso wala eh. Buti pa nga si Bikoy eh, may binabanggit na mga pangalan, may binabanggit na bank accounts, may binabanggit na sindikato, eh iyong post ni Jimmy Bondoc wala namang binabanggit kaya iniisip din namin ang dahilan ng ganoon katinding reaksiyon?

People in showbiz are emotional. Totoo po iyan na dahilan kung bakit ang mga simpleng bagay ay nagiging malaking issues, na kung minsan mahirap nang mai-control basta lumaki pa.

Iyong may sakit kailangang magpatingin sa doctor. Iyong mga may iskandalong ganyan, kailangan din ng professional help doon sa marunong ng damage control. Huwag pabigla-bigla dahil lalo lang kayong maiipit niyan in the end.

Hindi lang isang broadcasting network ang maaa­ring maging problema.

JIMMY BONDOC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with