Empoy napagkamalang tomboy!

MANILA, Philippines — Hindi maipaliwanag kung totoo ba or nagkukunwari lang si Mel Martinez na hindi niya kilala si Empoy Marquez na napagkamalan pa niyang isang tomboy.

Sumali kasi si Empoy sa grupo ng mga guwapong kalalakihan na gustong maging isang sexy dancer, noong mag-short ito, bumu-ngad ang magaganda at mapuputi nitong binti, kaya naman inakala ni Mel na isang tomboy ang komedyanteng aktor.

Ipinasok si Empoy sa FPJ’s Ang Probinsyano para magkaroon ng co­medy dahil punong-puno ng mabibigat na emosyon at paghihiganti ang bawat eksena nito.

Gabby parang pedophile ang dating sa Love YOU...!

Mabuti naman at nagpalit na ng girlfriend si Gabby Concepcion, nakipaghiwalay na siya kay Shaira Diaz sa serye nilang Love You Two dahil mukhang nai-inlove na siya kay Jennylyn Mercado. Parang pedophile ang peg ni Gabo dahil kursunada niya ay bata na halos parang anak na lamang niya sa nasabing programa.

Angel parang lalaki kunggumalaw

Magaling at dapat purihin ang fight instructor ni Angel Locsin sa The General’s Daughter. Parang lalaki si Angel kung gumalaw at makipaglaban.

Mahirap din ang role niya dahil magkamali ka lang ng kilos tiyak na tatamaan ka ng malalakas na suntok at sipa. Kamakailan lang ay nagkaroon ng blackeye si Angel sa may bandang mata, ikinabahala naman ito ng kanyang fans pero siya naman daw ay ayos na.

Vice kahanga-hanga ang pagmamahal sa ina

Mabait na anak si Vice Ganda, madalas niyang ipasyal ang kanyang ina sa iba’t ibang bansa. Bibihira ang mga artistang sumikat na may ganitong attitude, yung iba kasi pagkatapos sumikat bibigyan lang ng pera ang parents bahala na kayo sa buhay n’yo.

Dapat palakpakan at tularan si Vice Ganda sa ganitong ugali.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to May born celebrants:

Superstar Nora Aunor, Alma Moreno, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Show comments