Bukod na pinagpala pagkatapos ng isang buwan, Marian parang hindi nanganak!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - May 24, 2019 - 12:00am

After a month of giving birth sa second baby nila ni Dingdong Dantes, parang hindi nanganak ang hitsura ni Marian Rivera nang magpakita ito sa social media.

Wow as in parang walang nangyari. Hahaha.

Kahit sa unang baby nilang si Zia na three-year old na, hindi lumubo ang katawan ni Yanyan na karaniwang nangyayari sa mga nagbubuntis at nanganganak.

Minsan ang isang nanganak, taon ang binibilang bago pumayat at bumalik sa dati ang korte ng katawan. Pero ang Kapuso actress, walang ganun. Bukod siyang pinagpala.

Actually, ‘yung ibang babae nga halos ayaw manganak dahil sa pagtaba.

Eh kung ganyan sana lahat nang nanganganak baka mas marami pang bilang ang manganganak na nanay sa Pilipinas.

Sofia nanlinlang?!

Na-fake news ang mga pumatol sa ginawang pagbura ni Sofia Andres ng photos nila together ng sinasabing boyfriend niyang Cebu-based race car driver na si Daniel Miranda.

Kahapon ay uploaded sa kanyang IG story na  naka-back hug ang nasabing car racer na galing diumano sa mayamang pamilya sa Cebu at parang wala namang nangyaring hiwalayan.

Pinatos nga kasi ang ginawa ng Kapamilya young actress na pagbura sa pictures at nag-assume na may problema ang relasyon nila.

Unless mabilis silang nagkaayos.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with