^

Pang Movies

Sharon hindi makabangon,nanghihingi ng dasal

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sharon hindi makabangon,nanghihingi ng dasal
Sharon Cuneta

Nanghihingi ng dasal si Sharon Cuneta sa kanyang IG followers kahapon.

May sakit si Ms. Shawie at nag-cancel na siya ng meetings at iba pang mahalagang gagawin.

“Please pray for me. I have had to cancel meetings and other important things because I’ve been fighting off the flu, when I swallow there’s a painful lump in my throat, and I have a cough. I have a singing commitment on Saturday for a private event. Please pray that I heal completely in time for that. I’ve been talking very minimally, and my meds make me sleepy so thankfully, I am able to sleep for most of the day, everyday. Thanks so much. I need your prayers please. Love you guys,” pahayag nito sa kanyang IG account.

Ang feeling ng iba baka naman daw exhausted lang ang actress sa katatapos na election at sa pelikula niyang Kuwaresma na pawang pintas ang inaabot kaya masama raw ang loob ni Sharon dahil maraming eksena niya ang natanggal sa naturang pelikula.

Hindi rin sinuwerte ang kapatid niyang si ChetSharon Cuneta pa ang ginamit na pangalan sa balota sa pagka-mayor ng Pasay.

Carla, Lovi, Rhian, asan na? Jennylyn most in demand!

In all fairness, parang si Jennylyn Mercado na lang ang malaking artista ng GMA 7 ha. Hindi pa man tapos ang Love You Two with Gabby Concepcion, ayan at sinasabing siya ang gaganap na Dra. Kang sa Pinoy version ng Descendants of the Sun na pagbibidahan ni Dingdong Dantes. Si Song Hye Kyo ang gumanap nito sa original Korean version na naging mister ng bida na Song Joong Ki.

Kasal na lang ang kulang ngayon kina Jennylyn at Dennis Trillo.

Jackpot si Jennylyn samantalang ang ibang Kapuso actress parang tuloy ang pamamahinga like Carla Abellana, Lovi Poe, Rhian Ramos, at ilang pang Kapuso actress.

Well, congrats Jen.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with