^

Pang Movies

Maine ‘di sinipot ang pagbalikni Alden!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Maine �di sinipot ang pagbalikni Alden!
Alden Richards

Back to regular programming na si Alden Richards dahil lumutang na siya sa Eat Bulaga kahapon.

Mahigit isang buwan ding nawala si Alden sa EB dahil sa shooting sa Hong Kong at show sa Brooklyn, New York City. Napansin ni Joey de Leon ang pagpayat ng Pambansang Bae nang lumabas ito sa Boom segment ng noontime show bilang Mr. Bae-likbayan.

Usually, sa segment na ito madalas lumabas si Maine Mendoza after niyang mawala sa Sugod Bahay segment.

Siyempre, tanungan ang netizens kung bakit wala si Meng sa EB nang bumalik si Alden, huh! Sinadya niya raw ba nito na mag-disappearing act dahil dumating na si Alden?

Basta sa Twitter, trending ang hashtag na #ALDENWerNaU.

Robin gusto nang mag-move on sa election

Nag-iwan ng mensahe si Robin Padilla sa kanyang Instagram para sa mga taong gusto siyang gibain at ang kanyang pamilya.

“I did it all for the love of God, Country and fellowmen, never of money and power,” bahagi ng mahabang post ni Robin.

Nitong nakaraang eleksyon, todo ang naging suporta ni Binoe sa senatoriables na nanalo, Senators Bong Go at General Bato dela Rosa.

Saad niya ngayong tapos na ang halalan, “...kayat mainam na isantabi na natin ang pulitika at magkaisa tungo sa law and order.”

May sumang-ayon at may pumalag din sa mensahe ni Robin base sa komento ng ilan niyang followers.

Basta sa isang quotation kalakip ng mensahe ng action star, “Kapag para sa bayan, hindi ka dapat binabayaran.”

Move on na nga naman tayong lahat ngayong proklamado na ang 12 na bagong senators na inihalal ng bayan!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with