Bong Revilla
Bong nagamit ang ‘anting-anting’ sa mga kalaban
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 23, 2019 - 12:00am

Ngiting-ngiti si Senador Bong Revilla nang iproklama siyang bagong senador sa PICC kahapon. Ngiting-ngiti rin ang kanyang asawang si Mayor Lani Mercado, at ang kanyang anak na si Vice Governor Jolo Revilla nang tawagin sila sa stage. Kung iisipin mo ang lahat ng pinagdaanan ni Bong, at lahat din ng pagkontra sa kanyang kandidatura, baka nga maniwala kang may anting-anting na siya kaya siya nanalo.

Palagay namin iyong anting-anting niya si Lani, na talagang lumalaban at sumasagot sa lahat ng mga kritisismong ibinabato kay Bong. Natural naman asawa iyan eh. Kahit na ano pa ang sabihin ninyo, asawa ‘yan natural lang na itataya ang lahat para sa kabiyak niya.

Iyang panalo ni Bong, inaasahan na siguro nila. Kung natatandaan ninyo, nakakulong pa si Senador Bong sa Camp Crame nang sabihin naming kakandidato siya. Narinig kasi namin na dinalaw siya ng mga lider ng kanilang partido sa Crame, kinumbinsi siyang tumakbong muli bilang senador sa ilalim ng kanilang partido, dahil naniniwala rin silang bababa na ang desisyon sa kanyang kaso, in time sa filing ng kanyang COC, pero nagkaroon ng delay kaya si Lani ang nag-file noon para sa kanya.

Na-delay ang hatol ng korte pero tama ang kanilang suspetsa na mapapawalang sala siya dahil sa kakulangan ng naiharap na ebidensiya para patunayang siya nga ay guilty sa kasong plunder. Dahil wala namang conviction kaya nakatakbo siyang senador ulit, pero ginamit iyon laban sa kanya ng kanyang mga katunggali. Pero masipag sa pagtatanggol sa kanya si Lani.

May nagsasabing “nanalo lang iyan dahil artista kasi”. Pero kung iisipin naman ninyo, bakit maraming artistang kumandidato na natalo? Sa Maynila nga konsehal lang ang tinakbuhan ni Sheryl Cruz, nabokya pa. Hindi mo talaga masasabi ang kalalabasan ng eleksiyon. Damdamin ng bayan iyan.

Angel nakagat naman ng aso

Noong isang araw lang ang naka-post na picture ni Angel Locsin sa kanyang social media account ay may blackeye siya. Aba, ngayon naman nakagat daw siya ng aso. Ano ba naman iyan, kung anu-ano na ang nangyayari kay Angel.

Hindi pa nanalo sa eleksiyon ang tiyuhin niya na talagang ikinampanya niya nang todo. Nalamangan din ng kalaban niyang serye iyong serye niya. At kung iisipin mo, papaano nga ba nangyaring si Angel Locsin nalusutan daw ni Bianca Umali?

Mukhang hindi nga yata ito ang panahon para kay Angel. Baka kailangang magpalipas siya nang kaunting panahon para makabawi naman.

Samantala, sa kabilang banda, iyong naging boyfriend ni Angel, ang sikat na football player na si Phil Younghusband ay malapit na palang ikasal sa kanyang girlfriend na si Margaret Hall. May mga lumabas na ngang pre-nuptial pictures nila

Okay sana noon sina Angel at Phil, nagkasundo nga ang movie fans at football fans. Pero sa hindi malamang dahilan, nag-split silang dalawa, binalikan ni Angel ang dati niyang boyfriend na si Luis Manzano. Tapos nag-split din naman sila, Naging syota naman ni Luis si Jessy Mendiola ngayon.

Nagtatanong nga rin sila, si Angel kaya, kailan makakakuha ng isang seryosong relasyon? Pinakawalan pa kasi niya si Phil eh.

Boyfriend ni Angel ngayon ay producer na si Neil Arce? Sa simbahan na nga kaya sila magtatapos o mauuwi rin sila sa hiwalayan?

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with