Gerald Anderson at Julia Barretto
Pelikula nina Julia at Gerald susubukang bumawi sa abroad!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

Nag-flop dito

Kahit sinasabing hindi nag-hit ang Between Maybes movie nina Gerald Anderson at Julia Barretto, may demand daw na ipalabas ito sa abroad kaya according to TFC (The Filipino Channel) people, ipapalabas daw abroad ang Between Maybes.

Ang sumusunod ay ang schedule ng showing ng pelikula sa ibang bansa : May 23 in the Middle East and Papua New Guinea; May 24 in U.S., Canada, and Saipan; May 30 in Australia and New Zealand; June 16 in Busan, South Korea; and June 23 in Oslo, Norway.

At least, madadagdagan ang kita ng pelikula nina Gerald at Julia na shinoot pa sa Japan.

Teka! Ang Kuwaresma kaya ni Sharon Cuneta na nakasabay mag-showing ng Between Maybes ay ipapalabas din abroad?

Sana, kasi marami ring mga fan ang Megastar na gustong mapanood ang horror movie niya sa ibang bansa.

Nathalie parang hindi nanganak

Pagkatapos manganak sa Australia nitong January, may mga offer na si Nathalie Hart at malamang na ngayong June siya bumalik sa bansa.

Babalikan din ni Nathalie ang horror movie niya with Mariel de Leon, ang Barbara Reimagined na remake ng Patayin Sa Sindak Si Barbara.

Para sa iWant ng ABS-CBN ang Barbara Reimagined na ang direktor ay si Christopher Ad. Castillo na kinamatayan na ang nasabing project.

Bale ang naulilang misis daw ni Christopher ang magtatapos ng pelikula.

Sa hitsura nga pala ni Nathalie, parang wala pa itong anak.

Sabi ng nakausap ko, malamang daw na isama ni Nathalie ang anak niyang si Penelope pagbalik niya ng bansa next month.

Sa tagal ng bakasyon, Lovi kabisado na ang Amerika!

Naiinip na ang mga fan ni Lovi Poe dahil hanggang ngayon ay nasa bakasyon pa rin siya sa Los Angeles, California.

May isa akong tinanong kung kailan ang balik ni Lovi at sinabing “secret” pa raw.

Type na type ni Lovi ang pagbabakasyon sa L.A. dahil marami siyang mga kaibigan doon.

Kabisadung-kabisado na nga ni Lovi ang mga lugar sa L.A.

GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with