Sanya Lopez at Benjamin Alves
Benjamin ayaw pag-interesan si Sanya
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

Sa bagong serye nilang Dahil sa Pag-ibig sa GMA-7 ay ginagampanan nina Sanya Lopez at Benjamin Alves ang papel na mag-asawa pero in real life ay pareho silang single ngayon.

May posibilidad ba na ligawan niya si Sanya o ma-develop sila in a real romance?

“Naku, sa bigat po ng mga eksena namin, wala po talaga,” natatawang sagot ni Benjamin.

“At saka ano po talaga, sa taping, nakakapagod sa taping po talaga. Nakakapagod yung mga eksena. Wala po  yatang araw na nakakapag-relax.”

Sa ngayon daw ay hindi priority ng aktor ang love life pero nang matanong kung posible bang ma-attract siya sa leading lady, aminado naman siyang napakaganda naman talaga ni Sanya. “Of course, Sanya is very attractive and very passionate. Pero siyempre, hindi naman po porke’t maganda at mabait yung tao, kailangang mag-pursue ka.”

Basta ang masasabi raw niya, napakasuwerte ng lalaking magugustuhan ni Sanya.

“Kung sino man ang mag-pursue kay Sanya is very lucky. But he has to go through Pancho and me first dahil parang Kuya kami rito. Pero, wala pa po sa vocabulary ko ‘yan.”

Samantala, nahingan din ng reaksyon si Benjamin kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ng ex-girlfriend na si Julie Anne San Jose na ayaw daw muna nitong makatrabaho siya. “Well, I was asked about it already and I think it should be a mutual decision. I don’t think it’s the right time to answer it. Again, hindi po importante how I feel about it. It has to be mutual.”

Right now ay masaya naman siya sa buhay niya lalo pa nga’t may bago siyang teleserye na nagsimula na sa ere last Monday.

Jerome nagseselos sa mga poging athlete

Aminado si Jerome Ponce na seloso at conservative siyang boyfriend sa girlfriend na si Mika Reyes na isang volleyball player. Bawal sa kanya ang mga micro-mini shorts. Okay lang daw sa kanya na magsuot ng sexy clothes ang girlfriend, pero ‘yan ay kung kasama siya.“Siyempre, lalaki ako. Alam ko naman kung paano mag-isip ang kapwa lalaki. At ako, kung single ako, alam ko rin naman kung paano kami mag-usap-usap ng mga tropa ko.

“Gusto ko lang talaga na respectable ang dating,” ani Jerome.

Sa pagiging seloso naman, well, honest naman siya to admit na nagseselos siya sa male athletes na nakakasama ni Mika.

“Halos ang popogi ng mga kasamahan niya sa athletic world at ang ma-macho, ‘di ba? Ako naman, ano ang ipagmamalaki ko? Wala naman akong ipagmamalaki,” medyo pa-humble pang sey ni Jerome.

Paano siya magselos? “Wala, magtatanong lang ako. Tapos, sasabihan ko agad na parang hindi ako kumportable. Kapag nagselos ako, babantayan ko, pupuntahan ko, parang ganun.”

Samantala, sa Finding You ay ginagampanan ni Jerome ang role na may hyperthemesia, isang uri ng sakit na lahat ng pangyayari sa kanyang buhay, ultimo maliit na detalye ay naalalala niya. Kabaligtaran ito ng may sakit na amnesia.

Showing na ang Finding You sa May 29 at kasama rin ni Jerome sa pelikula sina Jane Oineza at Barbie Imperial mula sa direksyon ni Easy Ferrer hatid ng Regal Films.

BENJAMIN ALVES SANYA LOPEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with