Joey de Leon
Joey ayaw nang magdagdag ng trabaho
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

Thank you kay Joey de Leon dahil sa birthday greetings niya sa akin sa Eat Bulaga noong Lunes. Feel ko ang love sa akin ni Joey dahil hindi niya nakalimutan ang birthday ko.

Hindi ko pa nakakausap si Joey kaya hindi ko pa alam ang reason niya sa pagtanggi sa alok na maging council member ng Season 7 ng Starstruck.

Baka maraming nakaplano na biyahe si Joey sa ibang bansa o may ibang dahilan ang pag-beg off niya.

Si Jose Manalo ang makikinabang sa pagtanggi ni Joey dahil siya ang kinuha na council member ng Starstruck, together with Heart Evangelista and Cherie Gil.

May karapatan naman si Jose na maging council member ng reality-based artista search ng GMA-7 dahil matagal na siya sa showbiz. Makakatulong ang kanyang mga karanasan na maibabahagi sa mga contestant ng coming very soon na artista search ng Kapuso Network.

ACT-CIS palung-palo ang panalo

Kagabi ang inaasahang proklamasyon sa PICC ng mga senatorial candidate at Party-list na nag-win sa midterm elections noong May 13, 2019.

Naglatag ng red carpet sa PICC dahil dito daraan ang mga bagong halal na senador.

Eksaktong isang linggo ang nakalipas bago natapos ng COMELEC ang pagbilang sa mga boto na natanggap ng senatorial candidates.

Panalung-panalo ang Party-list na Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support na ipinangampanya nang husto ni Papa Raffy Tulfo, anchor ng number one public service radio program na Wanted sa Radyo ng TV5.

Malaki ang kontribusyon ng popularity ni Papa Raffy kaya number one Party-list sa midterm elections ang ACT-CIS na first three nominees sina Erik Yap, Jocelyn Tulfo at Nina Taduran.

Ang ACT-CIS ang nakakuha ng pinakamataas na boto na tiyak na sinuportahan ng lahat ng mga jeepney, tricycle, bus at taxi drivers.

Proklamasyon iniurong

Hindi natuloy ang proklamasyon ng mga nanalong senators gaya nina Cynthia Villar, Grace Poe, Lito Lapid at Imee Marcos.

Number one sa mga ibinoto si Senator Cynthia Villar na deserving talaga dahil sa mga nagawa niya sa senado.

Pumangalawa kay Senator Cynthia si Grace na hindi nawawala sa Top 2 candidates.

Mapapahiya ang mga nagsasabi na walang alam si Lito at member ito ng silent majority sa senado dahil buung-buo pa rin ang tiwala sa kanya ng mga tao.

Lucky rin si Imee na biktima ng bashing at maraming beses na kinuwestyon ang kanyang college degree pero nanalo.

Win din ang mga manok ni President Rodrigo Duterte na sina Bong Go at Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Si Senator Manny Pacquiao ang host ng dinner para sa incoming senators noong Sabado at invited sina Bong Revilla at Senator Koko Pimentel kaya safe nang sabihin na pasok sa Magic 12 ang dalawa.

JOEY DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with