Jane Oineza at Jerome Ponce
Jane at Jerome naudlot ang relasyon!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

Pinagkamalan palang mag-sweetheart noon sina Jane Oineza at Jerome Ponce dahil sa closeness nila noong magkatambal sila sa isang afternoon teleserye sa ABS-CBN.

“Hindi po naging kami, talagang friends lamang kami ni Jerome,” paliwanag ni Jane. “Nagkaroon lamang kami ng special relationship, more than friends, pero less than lovers. Para pong hindi nag-bloom, sabi ko po, naging special friends kami pero hindi umabot sa pagiging mag-boyfriend.”

Nang muling magkasama sila sa pagsu-shooting ng movie, na sabi nga ni Direk Easy Ferrer, ay sila ni Jerome ang talagang gusto nitong maging lead stars ng Finding You, doon nakita ni Jane na sweet as a person si Jerome, maalalahanin, mabait at may sense of humor.

“Maganda po, naging comfortable kami ni Jerome while shooting dahil naiiba ang character niya, may sakit siyang hyperthymesia na natatandaan niya ang lahat ng nangyari sa buhay niya, at hindi niya malimutan ang mga painful experiences niya.”

Kasama rin nila si Barbie Imperial, showing na sila in cinemas nationwide starting on May 29.

Alden enjoy maghugas ng mga plato

Nakumusta namin si Riza Faulkerson, sister ni Alden Richards at managing director ng kanilang fast food chain branch sa Biñan Laguna, na 24/7 sila open. Maaga pa kasi nasa store na siya that Sunday, May 19.

“Maaga po talaga akong pumapasok,” sagot ni Riza. “Lalo po ngayon, wala po si Kuya, miss na miss ko na rin siya. After po kasi naming nag-opening, bumalik na siya sa shooting niya sa Hong Kong with Kathryn Bernardo. Bumalik po siya pero umalis ulit for their show sa New York.

“Pagbalik niya po galing New York, dumaan siya rito bago nag-report ulit sa shooting dahil malapit lamang dito. Ayun, nag­hugas ng mga pinggan at mugs, nagbalot ng kanin (rice) para sa fried chicken, bago siya umalis.  Ganoon po siya kapag napadaan dito, ini-enjoy niya ang ginagawa niya.”

Bukod sa McDo niya, balitang magbubukas na rin ang dalawa pang branches ng Concha’s Cafe ni Alden, ang newly-renovated resto sa Silang, Cavite at ang isa pa sa Tagaytay Highlands.

Janine balik-taping matapos ang MRI

Nagkaroon pala ng minor accident si Janine Gutierrez sa taping niya ng kanyang top afternoon prime drama series na Dragon Lady. Tinamaan ang ulo niya ng arnis stick sa isang fight scene kaya isinugod siya agad sa hospital. Thank God na nagkaroon lamang ng maliit na bukol sa ulo ni Janine, pero pina-MRI pa rin siya para masiguro na maayos naman siya.

Nang bigyan ng go-signal ng doctor na okey na siya, at puwede nang umuwi, hindi naman umuwi si Janine. A real trouper, sa taping siya bumalik.

Napapanood ang Dragon Lady Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

JANE OINEZA JEROME PONCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with