Makasaysayang lugar, bibisitahin ng #nofilter
(Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mistula mang mga bakas na lang ng kasaysayan ang mga sinaunang bahay at lugar sa bansa, taglay din nila ang mahahalagang kwentong dapat malaman ng bawat Pilipino. Kaya ngayong  Miyerkules (Mayo 22), bibisitahin ng nagbabalik-dokumentaryo na si Abner Mercado ang ilang mga tanyag na heritage house upang magbigay-pugay sa kasaysayan at kultura ng ating bansa sa #NoFilter sa ABS-CBN.

Sa susunod na episode ng bagong dokyu series ng Kapamilya network, tutungo si Abner sa Intramuros sa Maynila, Quezon City, at Bulacan na naging saksi sa ilang mga importanteng pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sisiyasatin din ng premyadong broadcast journalist, direktor, at producer, na dati ring anchor ng The Correspondents sa ABS-CBN, ang mga ginagawa ng mga pribadong indibidwal na nangakong aalagaan ang mga lugar na ito upang hindi ito maging biktima ng komersyalisasyon o pagkasira.

Dadayo si Abner sa Mira-Nila Heritage House sa New Manila na itinayo noong dekada 1930 at napuntahan ng mga importanteng tao tulad nina da­ting Pangulong Manuel Quezon at Douglas MacArthur. Dadalaw rin siya sa Malolos, Bulacan para makita ang mansyong Jose Bautista na itinayo noong dekadang 1870 at nabisita noon ni Jose Rizal, at may koleksyon ng mga likha nina Fernando Amorsolo at Felix Ressureccion-Hidalgo.

Habang nasalba at tumatayo pa ang mga heri­tage house na ito, mayroon namang matagal nang napabayaan, nasira, o natalo na ng komersya­lisasyon. Aa­lamin ni Abner kung ano pa ang mga hakbangin para pangalagaan ang mga pamanang ito.

Simula ngayong Mayo, hatid ng pinakabagong dokyu series ng ABS-CBN na #NoFilter ang masinsinang kwento ng mga karanasan ng iba’t ibang Pilipino—mula sa mga sikat na personalidad hanggang sa mga bayaning nakikita sa mga karaniwang Pilipino. Ang bawat episode ay pinangungunahan ng mga pinagkakatiwalaang Kapamilya journalist, na siya ring sumulat at naglikha nito upang ibandila ang mga kwentong Pilipino. Bago si Abner, gumawa na rin ng dokyu para sa #NoFilter”sina Jeff Canoy, Raphael Bosano, at Kori Quintos.

Panoorin ang kwentong #NoFilter tungkol sa mga pamana ng ating kasaysayan hatid ni Abner Mercado ngayong Miyerkules (Mayo 22) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.

Janine, parang dalagang Pilita Corrales

Sa isang magazine shoot, halos walang pinagkaiba ang beauty ng mag-lolang sina Janine Gutierrez at Pilita Corrales! Suot ang matching retro outfits, talagang hindi maipagkakaila ni Janine na namana niya ang modelling skills sa kaniyang Mamita.

Proud ang Asia’s Queen of Songs sa achievements ng apo lalo na ang pagbida nito sa Afternoon Prime series na Dragon Lady. Isa lang si Pilita sa libo-libong avid viewers ng Dragon Lady tuwing Lunes hanggang Biyernes sa GMA.

Julie Anne, overjoyed sa birthday blessings

Isang blooming na Julie Anne San Jose ang nagpasalamat sa kaniyang fans at loved ones noong nakaraang Biyernes dahil ipinagdiwang niya ang kanyang 25th birthday. Bukod sa kanyang supporters, ang kanyang fellow Kapuso artists na sina Direk Gina Alajar, Inah de Belen, Golden Cañedo, at Valeen Montenegro ang ilan sa bumati rin sa Asia’s Pop Sweetheart.

 Umaapaw ang blessings para kay Julie ngayong taon! Kagaga­ling lang niya sa New York para sa Studio 7 Musikalye Sa Brooklyn at ngayon naman naghahanda na siya sa paparating  niyang concert na “Julie Sings the Divas,” sa Hunyo 20, sa The Theatre at Solaire.

 Korean Superstar Seo Kang Jun, certified Kapuso!

Nagbabalik ang Kapuso oppa na si Seo Kang Jun para pakiligin muli ang Filipino viewers! Ang Korean superstar na ito ang bibida sa Are You Human? na handog ng GMA Heart of Asia. Balita namin, may grand welcome ang fans at ang GMA-7 para sa kanya ngayong linggo!

Matatandaang si Seo Kang Jun din ang isa sa mga bida ng Cheese in the Trap na ipinalabas sa Kapuso network noong 2018.

Malapit na ang pagbabalik ng award-winning Kapuso ‘android oppa’ sa TV kaya abangan ang Are You Human?  sa GMA simula May 27, pagtapos ng Love You Two sa GMA Telebabad.

Samantala, bibisita rin si Seo Kang Jun sa Pilipinas ngayong May 25 para sa isang fan meet sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Exciting!

JULIE ANNE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with