^

Pang Movies

Vice tinawag na shunga ang mga umalma sa kanyang pagsa-shopping

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Vice tinawag na shunga ang mga umalma sa kanyang pagsa-shopping
Vice Ganda

Super-imbiyerna si Vice Ganda sa mga natanggap niyang negative comments mula sa netizens sa Twitter matapos siyang mag-tweet na magsa-shopping siya.

“Andaming nag -aaway, andaming galit andaming nagkakagulo sa twitter, sa fb sa ig. Valakayojen!!!! Shopping muna ko. More shoes! More outfit! More fun! My life is sooooo good!” ang unang tweet ni Vice na pinagsimulan ng issue.

Hindi nagustuhan ng ilang netizens ang tweet na ito ni Vice at tinawag na siyang “insensitive,” “materialistic” at “self-centered” at “privilege.”

Komento ng isang netizen, “this tweet reeks of privilege…. But what do we expect from her.”

Tweet naman ng isa pa, “sobra. Insensitive na, privileged pa. hayy.”

Sagot naman ng isa pa, “makabili din sana syang sensitivity at emphathy.”
May nag-tweet din na “actually yong mga super announce d ng ‘my life is sooo good’ na yan, in reality empty and sad, temporary happiness lang ibinibigay ng pera.”

Sunud-sunod ang mga comment ng bashers kaya naman hindi na talaga nakapagpigil si Vice Ganda at sumagot na siya.

“Nagtweet lang ako ng magshashopping ako sinabihan nako ng mga feeling WOKE ng ‘Privileged’! Bakit ako lng ba nakakapagshopping sa buong mundo? Mga shunga! Punta ka ng mall kahit walang trabaho nagshashopping!!! Dunung dunungan ang mga potahang feeling WOKE!” ang unang sagot ni Vice.

Ang “woke” ay millennial terms na ang ibig sabihin ay aware sa mga issues.

“Sa mga Pilipino di pagiging ‘PRIVILEGED’ ang pagshashopping. Kahit mahirap nasa mall at may binibili. Kaya nga andaming mall sa Pinas dahil trip yan ng mga Pinoy. At kahit isa lang ang binili mo at sale pa shopping pa din un.”

“And i dont have to brag about my monetary capabilities. Everybody knows im a millionaire because im a hardworking Filipino. Bitch!!! Sabay hampas ng balakang. Catwalk. Exit.“Eto ung ilan sa mga muntik ng ma-stroke dahil sa pagsha-shopping ko. I do not know lang ha!!!!! Kissshhhh nga mga mamshies!!!

“Yung mga feeling WOKE at mga WOKE WOKAN ang mga pinakatoxic na tao sa social media. Sa true. Sa real.

“Ok it’s 8:20am here in Calgary. I gotta take a bath na at magsha-shopping ako ulit. Eto kasing si @annecurtissmithmasyadong ‘PRIVILEGED’ nagpapabili ng Chanel. Pasok mga pa-WOKE bash nyo na si Anne! Lelllzzzzzz,” ang sunud-sunod din na tweets ni Vice na halatang iritado talaga.

May mga sumagot na namang bashers at nagkomentong sobrang affected si Vice at bakit hindi na lang daw amining naging insensive siya.

To this, sagot ni Vice, “Wow naman!!!! mga Woke-kininam kayo!!!! Lolzzzzzz.”

Tweet pa ulit ng Unkabogable Star, “You don’t just say or tweet the word EMPATHY. You stand up and help. May mga natulungan na ba kayo? May mga nasagip na ba kayo? Maka empathy lang ang mga potaha! Nagshopping lang wala ng empathy!!! Empathy mo mukha mo!”

Marami rin namang nagtanggol kay Vice Ganda at umayon sa kanyang mga hanash at ikinatutuwa naman ito ng komedyante.

Habang humahanash si Vice Ganda sa Twitter ay nasa Canada siya for a series of shows. Sa latest tweet niya kahapon, masaya siyang nagpasalamat sa successful show niya at muli ay nagpatama sa kanyang mga bashers.

“Thanks Madlang People of Calgary!!! Another sold out concert. Yezzzzz naman waging wagi na naman si batla!!!! Free day ko bukas ano kaya pwedeng gawin? Shopping? Oooopppsssss baka magalit ang mga pa-woke, mga feeling woke at mga woke-ininam. lolzzzzzz!!” tweet ni Vice.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with