^

Pang Movies

Pamilya Estrada panahon na para magkasundo!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pamilya Estrada panahon na para magkasundo!

Maayos na sana ang ‘small’ tampuhan sa pamilya Estrada. I think they really have to talk para maayos ang lahat at makabangon sila.

Ayusin sana nila kung anuman ang naging dahilan ng kanilang mga hindi pagkakaintindihan dahil I cannot ima­gine na wala sa public service ang anyone sa mga Estrada at Ejercito.

At huwag naman sabihin ng kanilang detractors na walang nagawa na magandang trabaho para sa bayan ang mga Estrada.

Naka-deliver naman sila noong nasa puwesto, ang mga project na napakinabangan ng lahat.

Wish ko talaga na maayos na ang mga isyu ng Estrada family dahil kailangan talaga ng isang boses na magbibigay muli ng brilyo bilang naniniwala ako na mahaba pa ang political lifeline ng pamilya Estrada/Ejercito.

Jinggoy inaabangan kung babalikan din ang pelikula

Nag-concede na si Jinggoy Estrada dahil tanggap nito na bigo siya na mahalal na senador sa midterm elections noong May 13, 2019.

May mga nagtatanong kung tulad ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, magiging active ba uli si Jinggoy sa pagpo-produce ng pelikula habang hindi pa siya busy sa public service.

Love ni Jinggoy ang local movie industry kaya malamang na i-revive niya ang kanyang movie production at gumawa ng mga pelikula.

May three years si Jinggoy para paghandaan ang eleksyon sa 2022 dahil sure ako na kakandidato uli siya. Hintayin na lang natin ang comeback niya sa public service.

Julie Anne umiiwas sa lovelife

Rape victim ang role ni Benjamin Alves sa Dahil Sa Pag-Ibig, ang drama series ng GMA-7 na nag-umpisa kahapon.

Isang arabo ang umabuso kay Benjamin at dito iikot ang kuwento ng soap opera na pinagbibidahan nila nina Winwyn Marquez, Pancho Magno at Sanya Lopez.

Samantala, ayaw na rin ni Julie Anne San Jose na magsalita tungkol sa kinahinatnan ng kanyang lovelife.

Nag-celebrate si Julie Anne ng birthday nito sa Sunday PinaSaya noong Linggo at talagang siya ang nagsabi sa kanyang mga co-host na huwag nang pag-usapan ang lovelife niya.

Iginalang naman ng mga co-host ng Sunday PinaSaya ang request ni Julie Anne na blooming ngayon at naka-focus ang atensyon sa kanyang showbiz career.

Bumalik na nga pala si Julie Anne sa Pepito Manaloto na iniwan niya nang pansamantala dahil sa Studio 7, ang musical variety show ng GMA-7.

Matagal na hindi napanood si Julie Anne sa Pepito Manaloto dahil may conflict sa taping schedule nito ang taping ng Studio 7.

Nadine consistent ang nomination

Bongga si Nadine Lustre dahil nominated siya sa lahat ng mga award-giving body para sa performance niya sa Never Not Love You.

Dalawa na ang acting award na napanalunan ni Nadine mula sa Young Critics Circle at 67th Famas. Kapag nagtuluy-tuloy ang mga panalo ni Nadine, baka maging ka-level na siya ni Lorna Tolentino, ang Grand Slam Queen ng Philippine Cinema.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with