Megan Young
Megan nagsalita sa kasal nila ni Mikael
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 20, 2019 - 12:00am

“Walang kasalan,” ganyan ang naging statement ng dating Miss World at aktres na si Megan Young sa mga tanong kung kasal na ba sila ng walong taon na niyang boyfriend na si Mikael Daez. Iyan ay kasunod din ng mahaba-habang panahon na magkasama sila sa pamamasyal sa abroad nang silang dalawa lamang. Ipino-post pa nila ang pictures sa social media, at sa tingin ng mga nakakakita noon, iyon na ang kanilang honeymoon.

Alam na alam naman kasing matibay ang kanilang relasyon sa simula’t simula. Noong una, bulungan nga lang iyong mag-syota sila, ni wala silang sinasabi hanggang sa dumating nga ang panahon na wala nang kailangang tanungin pa. Maliwanag na may relasyon na sila. Kaya naman ngayon, nagtatanong na naman ang kanilang fans, baka nga kasal na sila pero wala pang alam ang mga tao.

Pareho naman sina Megan at Mikael na nagsasabing siguro naman ay darating talaga ang panahon na lalagay sila sa tahimik, pero hindi pa ngayon. Wala namang dahilan para sila magmadali. Mas gusto nga nilang maihanda pa ang kanilang kinabukasan.

Isa pa hindi naman naitatago iyan. Walang secret marriage. Kasi bago ka naman makasal, kukuha ka ng marriage license at naka-post iyon sa city hall kung saan ka kumuha ng lisensiya. Eh iyong mga pangalan nina Megan at Mikael, mahirap mong itago iyan dahil kilala sila ng publiko. Kahit na sabihin mong sa Tawi-tawi pa sila kumuha ng marriage license, mababalita pa rin iyan.

Dito naman sa atin, hindi na uso iyong “kasal sa Cainta” kagaya noong araw, na kahit na hatinggabi naikakasal ang mga nagtatanan. Dito sa atin, hindi na makapagkakasal ang isang judge kung di sa open court. Hindi na rin maaaring magkasal ang mayor sa kung saan-saan lang.

Angel bino-boycott sa pakikisawsaw sa pulitika?!

Kawawa naman si Angel Locsin. Biktima na rin siya ngayon ng mga political bashers. May isa pang nagkakalat ng posts na i-boycott daw si Angel Locsin dahil sa pagsuporta niya sa isang kandidatong hindi siguro nila gusto. Hindi naman yata tama iyon.

Ang paniwala namin, kung ano man ang paniniwala niyang political, bahala siya. Tutal matanda na iyang si Angel, at kasabihan nga natin “buntot niya, hila niya”. Ano naman ang koneksiyon ng kanyang pagiging isang aktres sa anumang paniniwalang political mayroon siya?

Kung sa bagay, ganyan din ang sinasabi nila tungkol sa isa pang female star, na lahat daw ng gawing project ay palpak na dahil sa kanyang mga political affiliations din.

Aktor nasira ang career sa asawa

Ayaw tigilan ng tsismis ang isang male star. Hindi na kasi siya in demand ngayon simula noong lumipat siya ng network. Noon ang akala niya, totoong-totoo ang sinasabi sa kanyang basta lumipat siya ng network na iyon, siguradong magiging big star siya.

“Eh kasi naman noong lumipat siya may asawa na siya. Iyong sinasabi namang sisikat siya, iyon ang panahong puwede pa siyang asawahin,” sabi ng isang insider.

Eh di wala na pala siyang pag-asang sumikat. Kaya pala nakikipag-meeting na siya sa isang politician lately.

MEGAN YOUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with