Lani Mercado
Lani bumuwelta na sa bashers
Gorgy Rula (Pang-masa) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung ipinagkibit-balikat na lamang ni Sen. Bong Revilla ang mga bashing at paninira sa kanya, hindi na nakatiis si Mayor Lani Mercado, sinagot na niya ang ilang bashers at nag-post na siya sa kanyang Facebook account na ‘stop the hate, spread the love’ bilang sagot sa mga panlalait na ibinabato sa kanyang asawa.

“Kasi nakakapagod na rin. Feeling mo na the country was so divided. Parang naaawa ako sa mga tao na bumoto kay Sen. Bong at sinasabing bobo sila.

“Parang, it’s so unfair kasi may mga tao na maliit…yung mga magsasaka na bumoto kay Bong. Meron ding nakakaangat especially yung members ng mga religious sector na sumuporta sa kanya. Huwag naman natin sila paratangan ng kung anu-ano. Tao lang sila na may paniniwala na may paninindigan. Sana, huwag naman ganun,” pahayag ni Mayor Lani nang nakapanayam namin sa radio program naming Showbiz Talk Ganern sa DZRH nung nakaraang Biyernes nang gabi.

Ang isa lang sa ikinasama nang loob ni Mayor Lani ay mismong galing pa sa ilang artista na kasamahan naman daw nila sa industriya ang nagsasalita at nagpu-post ng panlalait kay Sen. Bong.

“Alam mo nasasaktan ako. Siyempre, hindi naman lahat na taga-industriya na kumbaga nagsasabi ng masasakit na salita laban sa amin. Siguro, this people hindi naman siguro nagkaroon ng direct o kung meron man direct relationship, naging katrabaho ni Sen. Bong…hindi ko alam kung meron bang ipinakitang mali si Sen. Bong sa kanila. Kasi ang alam ko, lahat na nakakasama ni  Bong wala namang masamang komento sa kanya…na kung meron, tao lang naman si Sen. Bong. But not to the point na tawagin mong magnanakaw o masamang tao. I don’t think so, kumbaga ipapasa-Diyos ko na lang sila,” malungkot niyang pahayag.

Ayaw pa munang magsalita ni Mayor Lani ng kung ano ang plano ni Sen. Bong kapag makabalik na sa Senado dahil wala pa naman daw ang proclamation.

Inaasahan nga nilang ipapatawag na sila kahapon, pero hindi muna ito itinuloy.

Pero kapag makabalik na raw ang kanyang asawa sa Senado, tinitiyak daw nilang magtatrabaho ito nang husto para patunayan lang sa lahat na mali ang mga ibinibintang sa kanya.

“Basta lahat na bumoto kay Bong, rest assured na susuklian yan ni Sen. Bong Revilla ng tapat na paninilbihan.

“Bigyan natin siya ng tsansa. Kasi, sabi ko nga sa kanya nung nangyayari yung pinakamalaking trahedya sa buhay namin, sabi ko ‘ang hirap ano Pa na sa maagang edad binuo mo yung pangalan mo, pinaganda mo, naging sikat kang artista. Tapos, sa kalagitnaan ng buhay mo kasi mag-50 na si Bong nun, then sisirain lang dahil sa isang maling akusasyon,” dagdag niyang pahayag.

Kaya malaking challenge raw ito ngayon kay Sen. Bong na parang nagsimula uli, dahil kailangan niyang ibangon ang pangalang sinira nang husto.

“This is his second chance in life eh. Iri-rebuild niya ulit ang pangalan niya from the very beginning…ah hindi naman from the very beginning. Kumbaga, meron siyang gagamutin. Kailangan niyang patunayan sa mga tao na mali ang mga akusasyon sa kanya…na mali sila. So, extra effort yun para kay Bong,” saad ni Mayor Lani Mercado-Revilla.

LANI MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with