Matteo nahirapang kumbinsihin si Sarah sa pagsali sa military!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - May 19, 2019 - 12:00am

Sa launch ng kauna-unahang single ni Matteo Guidicelli sa Viva Records na Sundo, his own cover sa 2006 hit song ng rock band na Imago, kinuwento nito na nakatakda siyang pumasok sa military training sa darating na May 27 na tatagal ng 45 days at isa na siyang military reserve na may ranggo bilang 2nd lieutenant.

Inamin din ng triathlete, singer-actor, celebrity endorser and restaurateur na voluntary umano niya itong gagawin at walang nag-udyok sa kanya dahil gusto niyang makatulong sa bayan lalo na pagdating sa mga kalamidad na malaki ang naitutulong ng mga military.

In a way, malaking sakripisyo ito para may Matteo hindi lamang sa kanyang career kung hindi maging sa kanyang pamilya at kasintahang si Sarah Geronimo na hindi niya makikita at makakausap sa loob ng 45 na araw dahil ultimo cellphone ay hindi siya puwedeng magdala at gumamit nito habang siya’y nasa loob ng Camp Tecson sa Bulacan for his military training.

Hindi umano naging madali na kumbinsihin ang kanyang pamilya ma­ging si Sarah G. sa kanyang naging desisyon, pero in the end ay pumayag din sila dahil parte na umano ito ng kanyang adbokasiya.

Nalulungkot si Matteo na kakaunti lamang ang mga military reserve sa Pilipinas hindi tulad sa ibang bansa na mandatory ang military service sa loob ng dalawang taon. Ganunpaman, umaasa siya na sana’y maka-inspire siya ng iba pang young men na sumailalim ng military training para makatulong sa ating bansa.

Samantala, on May 24 (Friday) ng gabi ay mapapanood si Matteo sa isang special show sa Music Hall in Metrowalk,

John Lloyd welcome pa rin sa bagong HSH

Kahit nag-reformat na ang long-running weekly sitcom na Home Sweetie Home at ginawa na itong Home Sweetie Home: Extra Sweet, natutuwa ang original female lead ng programa na si Toni Gonzaga sa mga bagong karagdagan ng cast tulad ng kapatid niyang si Alex Gonzaga, her ex-suitor na si Luis Manzano, ang kasamahan niya dati sa Wazzup Wazzup sa dating Studio 23 na si Vhong Navarro na makailang beses din niyang nakatrabaho sa pelikula, ang seasoned comedian na si Bayani Agbayani, ang actor-director na si Edgar ‘Bobot’ Mortiz, ang veteran actress na si Rio Locsin at ang dalawa sa Big 4 ng Pinoy Big Brother: Otso (Adult Edition) na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.

“Hindi rin naman nawala sa akin ang pagkalungkot dahil naging pamilya ko rin naman ang dating mga kasamahan ko sa programa,” pahayag ni Toni na inakalang magpapaalam na sa ere ang sitcom na sinimulan nila ni John Lloyd Cruz na magda-dalawang taon nang naka-indefinite leave sa showbiz since October 2017.

Although iba na ang takbo ng kuwento ng bagong Home Sweetie Home: Extra Sweet na nagsimula last May 11, welcome pa rin umano sa programa si John Lloyd kung nanaisin nitong bumalik o di kaya mag-guest man lamang.

MATTEO GUIDICELLI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with