Dingdong ipa-pamper muna ang mag-iina bago maglagare ng trabaho
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 19, 2019 - 12:00am

Sa ngayon ay very busy na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa paghahanda sa dalawa niyang bagong shows na gagawin sa GMA Network.

Next month ay magsisimula na ang original talent artista search na StarStruck 7, na since batch one ay si Dingdong ang host. This time, si Jennylyn Mercado ang magiging co-host niya at mga judge naman sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo. Si Kyline Alcantara naman ang social media host.

In preparation na rin ang next teleserye ni Dingdong, ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun na pagtatambalan din nila ni Jennylyn.

Pero may request pala si Dingdong sa GMA, gusto muna nilang magbakasyong mag-anak, si Marian, ang mga anak nilang sina Letizia at ang one month-old nang si Jose Sixto or si Ziggy, bago siya sumabak sa mga trabaho niya. 

Ito siguro iyong sinabi niya kay Marian na gusto muna niyang i-pamper ang asawa after ng mahirap nitong pagsisilang sa kanilang first baby boy.

Alden puwede na uling kumain ng normal

Nag-last shooting day na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ng first movie team-up nila sa Star Cinema, ang Hello, Love, Goodbye at dinirek ni Cathy Garcia-Molina. Matindi rin ang shooting schedules nila dahil nagsimula sila ng araw-araw na shooting simula noong Thursday, May 16, hanggang Saturday, May 18. At least ay masaya raw si Direk Cathy dahil hindi tulad ng shoot nila sa Hong Kong, na madalas outdoor sila, dito nasa loob sila ng isang bar, dahil nga doon ang work nina Kath at Alden sa story, kaya hindi sila nalalapitan ng fans. Kasama rin nila sa shooting sina Joross Gamboa at Jeff Tam.

Ngayong tapos na si Alden sa pelikula, masaya na siya dahil puwede na raw siyang kumain. Dusa ang diet niya na no rice, salt and sugar. White chicken, fruits and vegetables lamang ang puwede niyang kainin at may oras ang pagkain niya para ma-achieve ang look na kailangan sa character niya nung sino-shoot nila ang pelikula.

Pancho umaatikabo ang maiinit na eksena kay Sanya

Natawa si Pancho Magno nang makausap sa mediacon ng Dahil Sa Pag-ibig matapos mapanood ang full trailer ng bagong original Afternoon Prime drama series na idinidirek ni Ricky Davao at may world premiere na simula sa Monday, May 20, after ng drama series na Bihag.

Grabe kasi ang mga love scenes ni Pancho sa mga katambal niyang sina Sanya Lopez at Kelly Day.“Medyo nagulat din ako nang mapanood ko ngayon ang full trailer namin,” natatawang wika ni Pancho. “Hindi naman ito ang first time ko na magpakita ng body at magkaroon ng love scene, pero iba ito, mas sexy ang mga eksena rito. Kaya kaming apat, sina Sanya (Lopez), Benjamin (Alves) at Winwyn (Marquez) kailangang lagi kaming fit for the role. Ako almost everyday, kapag may time, nagwu-work out ako.”

Tulad ni Direk Ricky, puring-puri rin ni Pancho ang leading lady niya, napakahusay daw nitong actress, very sensitive sa mga eksena niyang ginagawa. Si Direk Ricky, nakikita raw niya kay Sanya ang career path na tinahak ni Vilma Santos noon.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with