Alex kapos sa GMRC!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 19, 2019 - 12:00am

Mabuti hindi na lang pinatulan ni Mayor Edwin Olivarez si Alex Gonzaga. Isipin ninyong sa isa sa mga kampanyang kanyang ginawa, sinabi niyang ang mayor ay “may pagkamadugas”. Para sabihan mo ang isang tao na mandurugas aba eh matindi iyan. Maraming kahulugan iyan, maaaring ang ibig sabihin ay magnanakaw, maaari ring manloloko, at ang pinaka­matinding ibig sabihin niyan ay swindler.

Ang mga ganyang bintang laban sa isang tao ay napakahirap patunayan, at maliwanag na ang ganyang pagbibintang ay may malisya ibig sabihin sasampa sa isang kasong libelo.

Iyang si Alex Gonzaga, kilala namang tactless at kung anu-ano nga ang sinasabi. Hindi ba minsan inakusahan din niya si Luis Manzano na bumili ng award. Ipagpalagay nating biro iyon kay Luis, binibiro rin ba niya ang samahan na inaakusahan niyang nagbenta ng award?

Minsan ginagawa na lang excuse sa showbusiness iyang kasabihang “tactless naman kasi iyan eh,” pero kung laging ganoon, kailan siya matututo ng leksiyon.

Mabuti na lang at hindi siya pinatulan ni Mayor Olivarez, kahit na nga may mga mamamayang gusto siyang ideklarang persona non grata sa kanilang lungsod. Makikipag-usap naman daw in private si Alex sa mga taga-City Hall. Pero bakit in private ang pag-amin niya ng kanyang kamalian ganoong ginawa niya ang napakasamang akusasyon in public?

Dapat sana, nagkusa na lang siyang gumawa ng isang public apology, na obviously ayaw niyang gawin kaya humingi siya ng isang private audience.

Kung minsan, ang mga ganyang pangyayari ang nagbibigay sa amin ng paniniwala na talagang kailangan ngang ibalik sa mga iskuwelahan ang pagtuturo ng good manners and right conduct.

Liza pangatlong beses nang inoperahan!

Inoperahan na naman pala ang finger ni Liza Soberano. Iyon daw bale ang ikatlong operasyon ng kanyang finger na nagkaroon ng injury noong panahong ginagawa pa niya ang isang serye. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya natanggap ang role na Darna.

Alam ninyo, kung nangyari ang mga bagay na iyan sa Amerika, kung saan may malakas na union ang mga artista, ang mananagot ng lahat ng gastos sa pagpapagamot ni Liza ay ang network. Kasi nangyari iyan sa set ng isang seryeng ginagawa nila. Hindi lang iyon. Hindi nagawa ni Liza ang Darna dahil sa nasabing injury. Maaaring pabayaran ng artista ang proyektong hindi niya nagawa dahil sa isang tinamong injury, at papaano na ang goodwill? Iyong tagumpay na maaari niyang inani kung nagawa niya ang Darna?

Pero dito sa Pilipinas, walang ganyang kasunduan. Mabuti si Liza malaki ang kita at may pampagamot. Iyong ibang maliliit na artista na hindi halos kumikita, ipinanghihingi pa para magamot.

Imelda Papin pagsasabayin ang pagiging Vice Gov. at presidente sa KAPP!

Tapos na ang eleksiyon. Vice governor na ulit ng Camarines Sur si Imelda Papin. Ang itinatanong nila ngayon, papaano raw kaya ang kanyang pamumuno ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino (KAPP)? Naayos na yata iyong membership ng mga artista sa SSS, papaano naman iyong iba pang mga proyektong kailangan niyang asikasuhin? Hindi raw kaya iyon mapabayaan ni Ate Mel?

Sana naman hindi dahil umaasa rin sa kanya lalo na ang mga maliliit na artista sa pelikula at telebisyon.

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with