Young star actor na saling kitkit lang sana, naging full length ang role sa isang movie!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 19, 2019 - 12:00am

Nawindang ang isang director nang isingit ang isang baguhang young star sa project na ginagawa bilang guest. Eh hindi kasi love triangle ang konsepto ng movie kaya medyo nag-alanganin ang director na isama siya.

Eh gusto mang pumalag ng direktor, hindi niya ito nagawa dahil ang producer ang nagsabing isama ang young star.

Mainit kasi ngayon ang young star at saka maraming puwedeng pag-usapan sa kanya. Seksi pa siya at maraming lalaki ang nagpapantasya sa kanya!

Kaso ‘yung unang plano na guest ay naging full length ang role ng young star, huh!

Volleyball dinudumog ng fans

Nagpadama ng malasakit si Dra. Vicki Belo sa UST volleyball player na si Eya Laure sa unang laban sa finals nito versus Ateneo University.

Saka lang namin naisip na graduate pala ng UST ang asawa niyang si Hayden Kho kaya ganoon na lang ang malasakit niya, huh!

Kahapon ang Game 3 ng UST vs. A­teneo ay present ang mag-asawa sa crowd. Isinama pa niya ang anak na si Scarlet Snow pero sa tweet niya eh, walang school na kinakampihan ang anak.

Sa totoo lang, trending sa Twitter ang hashtag na #UAAPTickets dahil wala raw makuhang tiket. May isang netizen na gustong magreklamo sa SM management dahil sa garapalang pagbebenta ng scalpers ng tiket sa mahal na halaga, huh!

May isang netizen na ‘yung P400 na presyo ay P1,500 ang benta ng scalpers!

EYA LAURE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with