Pelikula ni Sharon ‘below’ average ang kinita?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 18, 2019 - 12:00am

Nadismaya naman kami doon sa narinig naming kuwento ng isang theater manager na nagsabing ang kinita raw ng pelikula ni Sharon Cuneta ay “medyo above average” pero idiniin pa niyang hindi iyon matatawag na isang hit. Nang linawin namin kung ano ang average, ang sagot sa amin ay “ano ba ang karaniwang resulta ng mga pelikula ng Regal lately”.

May isang punto kaming nakita, parang sinasabing ang pagkakaroon ng isang big star na kagaya ni Sharon Cuneta sa isang pelikula ay nakapagbigay lamang ng mas malaking chance na hindi naman significant, kaysa doon sa mga pelikulang ang bida ay mga baguhan at hindi pa kilalang artista. Ang punto, bakit ka pa nga ba kukuha ng isang artistang kagaya ni Sharon na milyon ang talent fee, kung ang kikitain naman ng mga pelikula mo ay halos pareho lamang ng sa mga baguhang talent na ang TF ay wala pang P50,000 sa buong pelikula?

Sinasabi ngayon ng mga marketing people na mukhang hindi na talaga kailangan ang isang mala­king artista, maliban kung nasa uso kagaya halimbawa ng young stars na sina Daniel Padilla, Liza Soberano, o iyong mga naghi-hit pa ang pelikula. May sumusugal din doon sa mga sinasabing institusyon na sa pelikula, kagaya ni Vilma Santos na hanggang ngayon ay hit pa rin ang mga ginagawa.

Noong una, ang sinasabi ay baka nga kulang lang sa promo ang mga pelikula ni Sharon. Pero itong huli, sagad nga siya sa promo. Pati sa mga istasyon ng radyong wala halos nakikinig dinayo na niya, bakit lumalabas na flop pa rin ang pelikula?

Iyang sinasabi nilang “above average” na iyan, ay masasabi nating “way, way below average” ng mga pelikula ni Sharon noong araw. Anyare?

Ex-B members feeling blessed nang layasan ni AiAi

Natawa kami roon sa sunud-sunod na social media posts ng mga members ng Ex Battalion na lahat ay nagsasabing “thank you Papa God”. Mukhang lahat sila ay masaya. Lahat sila panay ang pasalamat sa Diyos. Ang dahilan nga ba noon ay ang announcement ni AiAi dela Alas na hindi na sila pakikialaman?

Maliwanag kung ganoon na hindi lamang si AiAi ang umayaw sa Ex Battalion. Ayaw na rin naman ng mga member ng Ex Battalion kay AiAi. Kung sa bagay nangyayari naman talaga iyang hindi pagkakasundo ng mga talent at mga manager. Malabo lalo sa kanilang kaso na si AiAi ay hindi isang professional manager kung di isang talent din.

Palamurang singer bagay pamalit sa basura sa Canada

Gusto na raw ng isang singer na mahilig magmura na umalis sa bansa dahil sa pagkadismaya sa resulta ng nakaraang eleksiyon. Maganda nga sigurong magpunta na agad siya sa DFA, at magpatulong doon kung papaano ba siya makakapag-migrate agad sa ibang bansa.

May nagsa-suggest pa nga na sana sa Canada na lang siya mag-migrate bilang kapalit ng mga ba­surang itinambak naman sa atin ng Canada. Sumikat din naman ang isa niyang kanta, pero bilang singer ay hindi siya sikat. Mas gusto ng mga nakikinig na ibang singer ang kumakanta ng kantang pinasikat niya.

Mas napag-usapan pa nga ang kumalat niyang sex video noon kaysa sa kanyang mga naging concert. Hindi pa nga kasi siya ganoon kasikat sa ngayon. Nega pa ang dating niya dahil marami siyang inaaway, pati na ang judges sa isang contest sa TV na kung iisipin, wala naman siyang pakialam.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with