^

Pang Movies

Korina di nagbabasa ng mga nega

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pang-masa
Korina di nagbabasa ng mga nega

SEEN: May administrator ang social media accounts ni Korina Sanchez kaya hindi nakararating sa kanya ang mga negative comment ng bashers at ang mga pang-iintriga ng haters.

SCENE: Ang birthday treat ni Jerome Ponce sa kanyang erstwhile actor father na si Jessie Delgado noong May 15, 2019. Bumawi si Jerome sa kanyang ama na hindi niya natulungan sa pangangampanya para sa midterm polls noong May 2013. Kumandidato si Jessie Delgado na konsehal sa 6th District ng Maynila at kapartido siya ni former Manila City Mayor Alfredo Lim. Parehong natalo ang kandidatura nina Jessie at Lim.

SEEN: Ikinuwento ni Jerome sa presscon ng Finding You ng Regal Entertainment Inc. na graduate na siya sa pagbili ng mga luho para sa sarili kaya ang kinabukasan na ang kanyang pinaghahandaan. Bumili si Jerome ng sariling bahay na nagkakahalaga ng P10 million para magkakasama na sila ng kanyang ina at mga kapatid. Ang Finding You ang pelikula na pinagbibidahan nina Jerome at Jane Oineza. Nagpapasalamat si Jerome sa Regal Entertainment Inc. producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde sa pelikulang magbubukas sa mga sinehan sa May 29, 2019.

SCENE: Ikinatuwa ng mga motorista ang pangako ni Mayor-elect Vico Sotto na aalisin nito ang odd-even scheme sa Pasig City na matagal nang inirereklamo dahil pahirap sa araw-araw na biyahe nila.

SEEN: Inamin ng isa sa anim na miyembro ng Ex Battalion na yumabang sila mula nang makatikim ng kasikatan. Hindi inaasahan ng Ex Battalion na marami ang may ayaw sa kanila at pruweba ang libu-libo na hate comments na natatanggap nila. Hinahamon ni Makagago ng drug test ang Ex Battalion. Si Makagago ang Diss King ng Pilipinas at ayon sa kanya, sinuntok siya ng  isang member ng Ex Battalion sa Sunugan event noong March 2019.

SCENE: Nanindigan si Sanya Lopez na hindi sila nagkaroon ng relasyon ng aspiring actor na si Gab Lagman. Ang GMA 7 News reporter na si Mariz Umali ang isa sa mga nakakaalam sa katotohanan dahil pamangkin niya si Gab at siya ang nagsabi noon kay Sanya na crush ito ng aktor.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with