Mother Lily umaasang sisipa sa takilya sina Barbie, Jane at Jerome
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

Ang presscon kahapon ng Finding You movie nina Barbie Imperial, Jane Oneiza at Jerome Ponce.

Masaya ang entertainment press na si Mother Lily Monteverde mismo ang nag-aasikaso.

Bawat makausap ni Mother Lily ay may kuwento siya tungkol sa mga pinagsamahan nila ng entertainment press na kausap.

“Kaya mahal ka namin, maasikaso ka Mother,” ang komento ng isang kausap ng Regal Entertainment, Inc. producer.

Umaasa si Mother Lily na tatangkilikin ng moviegoers ang Finding You.

Bagong Home Sweetie... mas mataas ang rating

Sa presscon din kahapon ng Home Sweetie Home: Extra Sweet ay nakatsikahan ko ang isang staff na hanggang ngayon pala ay malapit kay John Lloyd Cruz at nakakausap ng aktor na “on leave” pa rin sa showbiz.

Sabi ng kausap ko, nagkukumustahan man sila ni John Lloyd ay never niya itong tinanong kung babalik na ba ito sa showbiz.

“Kasi, ‘di ba sinabi naman niya na gusto muna niyang magpahinga, kaya never ako nagtanong sa kanya ng ganoon.

“Ano ‘yung napabalitang babalik siya sa show? I think nag-isip lang ng ganoon ang mga fan dahil nga sa Turks endorsement niya. Wala naman sinasabi na babalik siya sa show,” sabi ng kausap ko.

Sabi pa ng kausap ko, never din sinasabi ng higher management (big bosses ng Kapamilya network) na gusto na ring bumalik ng aktor.

“Never napag-usapan ‘yon,” paglilinaw pa ng kausap ko.

Samantala, masaya ang ABS-CBN management sa taas ng rating na nakuha ng Home Sweetie Home: Extra Sweet nang magsimula ang episode na kasama sina Luis Manzano, Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Alex Gonzaga, Rio Locsin, Edgar Mortiz at iba pa.

Alfred tatanggap na ulit ng raket

Kahapon ay ka-text ko rin ang re-elected representative ng 5th district ng Quezon City, si Alfred Vargas, at tinanong ko siya kung gagawa pa ba siya ng showbiz projects?

“Yes, I’ll accept one project a year. Either telenovela or movie. We’re done filming and post prod na with my film, Kaputol, directed by Mac Alejandre and written by Ricky Lee. We’ll show it sometime late this year,” sabi ng actor/politician.

Masaya rin si Alfred na win sa pagka-city councilor sa district nila ang kapatid niyang si Patrick Michael Vargas.

“Very thankful dahil double win kami,” sey ni Alfred.

‘Yun na!

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with