Baron Geisler, Coco Martin
Baron kayang lamunin si Coco
Vir Gonzales (Pang-masa) - May 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — May mga kuwentong nakakawala ng antok ang pagpasok ni Baron Geisler sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nawala na kasi ang mga major contravida sa naturang serye kaya naisipang ipasok si Baron. Well, dapat na mag-ingat si Coco dahil puwede siyang lamunin nang buo ng nagbabalik na aktor  lalo’t ang kalimitang mga papel na naipapakita ni Coco ay pulos seryoso at papoging facial expression lang habang nakikipag-­usap sa mga kaeksena niya.

John Lloyd ‘di bakas sa hitsura na Masaya sa piling ni Ellen

May mga nagrereklamong fans na nagtatanong kung anong klase bang pag-ibig at pagmamahalan ang namamagitan kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Sabi kasi, maligaya ang actor sa kanyang buhay ngayon pero bakit daw ganoon, nagmukha namang ermitanyo ang anyo nito at tila nag-iiba ang ugali?

Kaligayahan nga kaya ang tawag sa ganitong klaseng pagmamahalan?

Hermano sariling gastos ang mga selebrasyon sa Baliuag

Masaya ang naging celebration ng kapistahan ng Baliuag, Bulacan ganun din si Hermano Mayor Jorge Allan Tengco na muli siyang nahalal na pangulo sa loob ng ika-limang taon na bihirang mangyari sa mga nagiging hermano ng naturang bayan.

Humanga kami dahil napagsama-sama ang mga patron saint ng 27 barangay ng Baliuag. May nagtatanong, bakit daw ang hermano mayor lamang ng Baliuag ang gumagastos tuwing may celebration?

Wala raw bang pondo ang simbahan para suportahan ang hermano mayor?

Well, ang importante ay napapaligaya ang mga taga-Baliuag ng natu­rang hermano mayor.

Condolences…

Our deepest sympathy sa pagyao noong April 6 ni Atty. Narcisa Susan De Leon Huera, grandchild ng dating producer ng LVB Pictures dahil sa karamdaman.

Naiwan niya ang kabiyak na si Atty. Hermie Huera at nag-iisang anak na si Hanna.

Si Atty. Susan ay naging tagapagtaguyod noon ni senator Grace Poe sa buong Baliuag, Bulacan.

Personal…

Birthday greetings to May born celebrants na sina Superstar Nora Aunor, Joyce Pring, Julie Ann San Jose, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Helen Gamboa, Alma Moreno,  Aster Amoyo, Laura Varilla of Subic Baliwag Bulacan, John Fontanilla and Manay Lolit Solis.

BARON GEISLER COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with