Halalan 2019 mas humataw ayon sa Kantar, #Eleksyon2019 ng GMA 7, bongga ang graphics effects!
Salve V. Asis (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas tinutukan ang Halalan 2019 election coverage ng ABS-CBN News sa TV at online noong Mayo 13 ayon sa Kantar Media.

Nagwagi ang ABS-CBN nationwide mula umaga hanggang gabi ayon pa sa datos mula sa Kantar Media sa pangunguna ng TV Patrol na nakakuha ng rating na 29.2%. Mas marami ring nanood ng Halalan 2019 sa umaga at hapon, sa rating na 5.7% at 12.7%. Panalo rin ang Bandila na nakakuha ng 6%.

Hindi lang sa TV nanood ang mga Pilipino sa buong mundo. Binantayan din ng mga netizen ang botohan online sa ABS-CBN News sites na nakakuha ng 46.7 milyong page views noong May 13 at May 14, halos 434% ang itinaas nito kumpara sa karaniwang araw.

Nagpasalamat rin ang mga netizen sa website ng Kapamilya network na halalanresults.abs-cbn.com dahil madali ito gamitin, basahin, at aralin, at may mga real-time na impormasyon mula mismo sa opisyal na datos ng Commission on Elections (COMELEC).

Nanguna sila sa social media kung saan nag-trending ang hashtags na #Halalan2019, #HalalanResults, at #HalalanAberya. Umani rin ng 2.6 milyong interaksyon ang Facebook pages ng ABS-CBN News, ANC, TV Patrol, at DZMM noong Mayo 13 at Mayo 14, samantalang 296,000 na interaksyon naman ang itinala ng mga Twitter account na ito sa dalawang araw.

Nanguna sa coverage sina Noli “Kabayan” De Castro, Ted Failon, Karen Davila, Julius Babao, Bernadette Sembrano, Henry Omaga-Diaz, Zen Hernandez, Alvin Elchico, at Anthony Taberna, kasama sina Gretchen Ho, Amy Perez, at Kim Atienza, na nagsalitan para ihatid ang mga pangyayari noong eleksyon.

Samantala, kung sa Kantar Media ay wagi ang Kapamilya Network, marami namang napa-wow sa #Eleksyon2019 coverage ng GMA 7! Given na kasi na magaling sa pagbabalita ang mga anchor at reporters nito pero di  kinaya ng mga nanonood ang graphics effects na ginamit para sa nasabing election coverage. Opening gap pa lang, pasabog na ang pa-ilaw ng Network sa building nito na tugma sa kulay ng watawat ng Pilipinas. Nakakabilib pang lalo ang immersive graphics at animations na binida ng Kapuso coverage na naging usap-usapan sa social media.

Sa pamamagitan nga ng mga makabagong teknolohiya, mas maayos na naipaintindi ng mga GMA News pillars na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Arnold Clavio, Howie Severino, at Jessica Soho sa mga manonood ang mga impormasyon ukol sa Midterm Elections.

 Grabe, ginalingan nang husto ng Kapuso Network!

StarStruck’ host at judges, ipinasilip na

Kanya-kanyang hula ang netizens kung sinu-sino ang mga magiging host at judges ng seventh season ng Starstruck. Sa latest teaser ng original reality-based artista search ay ipinasilip na ng GMA Network ang mga bagong host at judges na makakaharap ng mga hopefuls na sasabak sa kumpetisyon.

Sinu-sino kaya ang mga Kapuso personalities na ito?

Abangan ang nalalapit na pagsisimula ng StarStruck sa GMA Network.

2019 ELECTION COVERAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with