John Lloyd Cruz
Pagbabalik ni John Lloyd naudlot?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Nagsimula na noong Saturday ang Home Sweetie Home: Extra Sweet, pero ngayon lang haharap sa entertainment press ang naturang cast at ang mga bagong nadagdag.

Magkasama na nga sa Home Sweetie Home: Extra Sweet ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Matatanong na rin ang mga namamahala sa sitcom kung totoo ba ang lumabas na tsika na dapat ay babalik sa show si John Lloyd Cruz na mister doon ng character ni Toni.

Masagot din kaya sa presscon mamaya kung ano na ang mangyayari sa sitcom ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid na napabalita noon na siyang papalit sa Home Sweetie Home pero ngayon nga ay nagkaroon ng bagong cast at nadagdagan pa ng Extra Sweet sa title? Matutuloy pa ba ‘yon at malalagay lang sa ibang time slot?

Well...

Karla binalikan na ang trabaho

Kahapon ay ka-text ko si Karla Estrada.

“Back to regular programming ka na ba?” ang birong text ko sa Queen Mother ni Daniel Padilla.

Medyo matagal din kasi siyang hindi nakapag-Magandang Buhay dahil tumulong siya sa kampanya ng tatay ni Daniel, ni Rommel Padilla na kumandidatong congressman ng first district ng Nueva Ecija (hindi ito pinalad na manalo).

Nitong patapos na kasi ang kampanya ay nag-araw-araw sa pagtulong kay Rommel si Karla. “Yes, back to work. Mapapanood na uli ako sa Magandang Buhay. Live na live kami bukas (today) and on Saturday, aalis kami pa-Boracay para sa third anniversary ng show. Bale five days kami sa Boracay,” sey ni Karla.

Tungkol lang sa Magandang Buhay ang napag-usapan namin ni Karla at hindi ko na inusisa pa ang pagkatalo ng tatay ni Daniel.

Pero ang maganda kay Karla, kahit nauwi sa wala ang relasyon nila noon ni Rommel ay ang tindi pa rin ng tulong niya sa kampanya ng kanyang ex, huh!

Soundstage ng DOS, nagagamit na

Remember ‘yung sinulat ko na nag-shoot si Inigo Pascual sa ABS-CBN compound sa San Jose del Monte, Bulacan noong Tuesday? Well, ang bongga pala dahil sa loob mismo ng soundstage nag-shoot ang anak ni Piolo Pascual, huh!

So, ayos na pala talaga ang soundstage ng Dos sa Bulacan, huh!

So, tama ba na before the end of the year ay gagamitin na talaga nila ‘yon sa ibang mga show nila?

Dahil nga pala sa ABS-CBN soundstage ay nagmahalan na raw ang properties sa lugar na ‘yon!

Vice gustong may Darna kuno-kuno

Noong isang araw ay nabanggit ko kay Eric Quizon ang tsikang kapag nagawa na ang Darna movie ay balitang gagawin naman ni Vice Ganda ang Darna Kuno.

Naalala kaagad ni Eric na pelikula ng tatay niya ang Darna Kuno.

JOHN LLOYD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with