Richard Gomez
Goma goodbye acting na talaga!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Natatawa na lang ngayon si Mayor Richard “Goma” Gomez kapag tinatanong siya kung tatanggap pa ba siya ng pelikula o TV show. Mukhang talagang maiiwan na niya ang kanyang career bilang isang actor.

“Ang mahirap sa akin, napakalayo ng Ormoc, ang trabaho ng artista mostly nasa Metro Manila. Iyong pelikula naisingit ko the last time, dahil dito lang ang shooting sa Ormoc, pero kung iba ang location parang napakahirap. Iyong TV, iyan ang talagang hindi na puwede,” sabi ni Mayor Goma.

Pero marami ang nanghihinayang, dahil kung natatandaan ninyo, bago siya nag-mayor ay may mga ginawa siyang serye sa telebisyon, at napakataas ng ratings ng mga iyon.

“Noong una ang sinasabi ko, later on makakagawa naman ako ng sarili kong schedule, at saka may mga tao na akong mapagkakatiwalaan na si­guro naman hindi ako ang kailangang mag-intindi ng lahat ng trabaho. Pero hindi pala ganoon. Lalo na ngayon, naramdaman ko iyong mas malaking tiwala sa akin ng mga tao, ayokong masira ang tiwala nila. Noong isang gabi nga pinag-uusapan namin ni Lucy, sabi ko mukhang mas marami pa akong kailangang haraping trabaho ngayon.

“Iyong pamilya ko nga, although may residence kami sa Manila dahil naman sa trabaho ni Lucy na kailangang nasa House three times a week, talagang masasabing nag-migrate na kami completely dito sa Ormoc. Ito na talaga ang bayan namin,” sabi ni Mayor Goma.

Sa sinasabi niyang iyon, mukha ngang talagang goodbye na muna siya sa acting, kahit na sinasabi niyang basta may magandang project at may panahon, ok lang sa kanya. Siguro iyong magagandang projects marami, ang problema iyong kanyang panahon.“Ngayon ko na-realize, mahirap pagsabayin ang public service at pagiging artista,” pag-amin ni Mayor Goma.

Hindi rin lahat ng artista sinusuwerte sa pulitika. Iisipin mo bang si Rommel Padilla, na naging board member na sa kanilang probinsiya, at ikinampanya pa nang husto ng kanyang anak na si Daniel Padilla kaya nga humingi iyon ng ilang buwang leave rin, natalo pa? Iyong tindi ng popularidad na iyon ni Daniel, hindi niya nadala ang tatay niya?

Sino ang hindi nakakakilala kay Richard Yap na unang sumikat sa tawag na Sir Chief. Eh lahat ng tao iyon ang bukambibig noong araw eh, pero natalo siya bilang congressman sa Cebu. Si Long Mejia rin, talo sa Camarines Sur.

Si Roderick Paulate na siyang sinuportahan ng mga taga-showbusiness sa Quezon City, iisipin mo bang ilalampaso pa sa boto ni Gian Sotto? At si Gary Estrada, vice mayor na nga lang ang tinakbuhan sa Cainta kung saan sila nakatira ngayon, natalo pa?

Pero ganyan talaga ang pulitika, hindi naman puwedeng lahat nananalo.

Aktor inuunti-unti ang paglaladlad sa social media

Bumigay na nang todo ang isang aktor. Ngayon, gamit ang mga social media applications, naglalabas na siya ng mga videos niya sa internet na ayos babae, pero mukha niya. Mukhang sinisimulan na niyang sanayin ang mga tao na “babae” rin siya.

Kung sa bagay matagal nang sinasabi ng mga kaibigan niya na gusto na rin niya talagang mag-out, naghahanap lang siya ng magandang pagkakataon.

Nanghihinayang din naman daw siya sa kanyang career kung aaminin na niya ngayon na ang totoo ay “girl” siya.

RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with