Luis Manzano
Matapos ‘masawi’ uli sa eleksiyon, Luis hindi pa nakakausap si Edu
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Luis Manzano must feel doubly sorry for his dad, Edu Manzano, na early Tuesday (May 14) pa lamang ay may hinala nang talo siya ng kanyang opponent na si Ronny Zamora sa kanyang bid na maging Congressman ng lone district ng San Juan City.

After all, alam niya ang sincere desire ng amang mapaglingkuran ng buong puso ang kanyang mga kababayan sa San Juan City.

As of this writing, ‘di pa yata nagkakausap ng masinsinan ang mag-ama.

In the case of his Mom, Vilma Santos-Recto na nanalo sa kanyang second bid na maging Representative muli ng lone district ng Lipa City, kasama niya ito at ang kanyang kapatid na si Ryan Christian du­ring election day. Sa Lipa City din kasi siya bumoto kasama ang kanyang step-dad na si Senator Ralph Recto.

Right now, obvious na wala pa sa bucket list, kumbaga, ni Luis na pumasok sa pulitika. Halatang naka-focus siya sa kanyang showbiz career.

Bukod sa game show niyang Minute To Win It, Last Man Standing tuwing Sabado, napapanood din si Luis sa reformatted na show na Home Sweet Home, Extra Sweet, bilang kapareha ni Alex Gonzaga.

The original members ng cast na nanatili sa series include, aside from Toni Gonzaga, Miles ­Ocampo, Rufa Mae Quinto, teenage actor Clarence Delgado, Empoy Marquez at Jobert Austria.

Mga bagong “pasok” din, tulad nina Luis at Alex, sina Vhong Navarro, Rio Locsin at Bayani Agbayani.

Nanatiling direktor ng sitcom, na “iniwanan” nina John Lloyd Cruz, Sandy Andolong at Piolo Pascual, si Edgar Mortiz.

Jasmine ayaw pang patali sa madatung na BF

Malapit na nga bang ikasal ang younger sister ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith at ang boyfriend nitong si Jeff Ortega?

Well, although, feel ni Jasmine na si Jeff could really be the right guy for her, she doesn’t think she is ready for marriage. After all, 25 years old lang siya.

Si Anne ay nasa 30s na nang ikasal kay Erwan Heusaff.

Well, aside sa gusto pa muna niyang lalong umasenso ang kanyang showbiz career, type rin niyang mag-focus sa negosyo, with, perhaps Jeff as her business partner, a hotel cum boutique sa resort in La Union, which Jeff’s family owned.

Well, good luck. Jasmine.

Gerald at Julia nabitin sa kanilang pagtatambal

Kabilang si Ria Atayde sa mga baguhang talents ng Kapamilya na dumalo sa premiere ng now showing na movie nina Gerald Anderson at Julia Barretto na Between Maybes.

Naku, ha, ‘di niya kasama ang napapabalitang masugid niyang manliligaw na si JM de Guzman.

Actually, walang ka-date ang mga namataan naming artistang nasa audience. Halimbawa na lang si Janella Salvador na mag-isang dumating ganun din si McCoy de Leon.

Magkasama naman sina Jerome Ponce at Marco Gumabao.

Of Gerald and Julia, they were each other’s date. Saka na obviously panonoorin ng kani-kanilang love of their life, nina Bea Alonzo at Joshua Garcia, respectively ang pelikula.

A Black Sheep production, Between Maybes had Jason Paul Laxamana at the helm.

Filmed almost entirely in Japan, Julia admits na nagkahulihan sila ng loob ni Gerald, habang nagsu-siyuting for Between Maybes.

“Hindi ko akalaing napakabait pala niya,” susog pa ni Julia. “Walang effort that he helped make a feel comfortable all throughout our filming of the movie.

“I would love na makatrabaho siyang muli,” patuloy pa ni Julia.

“Me, too,” sigaw ni Gerald, who obviously overheard ang sinabi ni Julia.

LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with