Heart Evangelista
Heart gustong magtayo ng tirahan ng aso sa Bicol
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Isang netizen ang nagtanong kay Heart Evangelista kung mag-i-stay na raw ba ito nang mas madalas sa Sorsogon since nanalo nga ang kanyang mister na si Chiz Escudero bilang Gobernador ng naturang lugar.

Kinumpirma naman ito ng aktres at aniya, gagawin niya ang lahat para makatulong sa asawa at sa Sorsogon.

“I will take more trips to Sorsogon for sure but I do have a job. I think people will also appreciate the idea that I work for what I have, but I will for sure do everything I can to help my husband and help Sorsogon,” ani Heart.

Sa panayam ng GMA-7 ay sinabi ni Heart na gusto raw niyang magtayo ng shelter for abandoned dogs sa Sorsogon. As we all know ay animal lover ang aktres kaya bagay na bagay sa kanya ang proyektong ito kung sakali.

Dennis pinangalandakan ang pagmamahal kay Jennylyn

Sa Dubai nag-celebrate ng kani-kanilang kaarawan ang showbiz couple na sina Dennis Trillo (May 12) and Jennylyn Mercado (May 15) at makikita sa Instagram post ng aktor.

Sa kani-kanilang IG account ay binati rin nila ang isa’t isa. Simple lang ang birthday greetings ni Jen sa boyfriend. Post niya, “when I think of you, my heart goes (katakut-takot na heart emojis). Happy birthday @dennistrillo .”

Sinagot naman ito ni Dennis ng nakakakilig na “I love you” at sa dulo ay may green heart emoji.

Pero ang mas sobrang nakakakilig ay ang birthday greetings ni Dennis para sa girlfriend kahapon.

Nag-post si Dennis ng isang solo picture ni Jen na nasa Mall of the Emirates at isang short video nilang dalawa habang magkayakap sa tila balcony ng kanilang hotel na tinutuluyan with matching sea view sa background.

Si Dennis ang nagte-take ng selfie video habang yakap-yakap niya si Jen. Bumati sila ng “good morning” at saka nag-kiss.

Pamatay sa sweetness at pagka-cheezy ang caption ni Dennis.

“Umulan, Bumagyo...Gumuho man ang mundo. Ikaw at Ako pa rin. Happy Birthday Mahal ko,” ang mensahe ni Dennis sa girlfriend na talaga namang ­umani ng “likes” at reaksyon kabilang na sina Edgar Allan Guzman, Chanda Romero at Sen. Sonny Angara.

Knowing Dennis na silent type at hindi mahilig mag-post ng mga ganito, mas lalo itong nakadagdag ng kilig ng mga netizen. So far, ito ang sweetest ever message na nabasa namin mula sa aktor para kay Jen.

Samantala, hindi lang si Dennis ang bumati kay Jen sa kaarawan niya kahapon kundi maging ang mga managers niyang sina Becky and Katrina Aguila, leading man niya sa Love You Two na si Gabby Concepcion at best friend na si Nar Cabico.

Bago umalis ay nag-treat ng birthday dinner si Jen sa buong production and cast ng Love You Two.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with