Bong Revilla
Bong pinag-iinitan ng starlet
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Kawawa naman ang isang aktor na naninira kay Bong Revilla, Jr. dahil sa kabila ng kanyang mga ginagawa, never niya na maaabot at mapapantayan ang achievements ng kapwa artista na sinisiraan niya.

Kahit magpalit pa uli siya ng screen name, hindi na madu-duplicate ng forever starlet na aktor ang mga contribution ni Bong sa Philippine movie industry at sa bayan.

Ganyan talaga ang mga artista na bitter sa buhay. Hindi nila matanggap na may mga tao na angat sa kanila kaya paninira lang ang talent nila.

Matagal na sa industriya ang aktor pero no wonder, starlet pa rin ang kanyang ka­tegorya dahil masama ang ugali niya.

Kung talagang matapang siya, bakit hindi niya sabihin kay Bong ng face-to-face ang kanyang mga paninira.

Vico mas piniling matulog

Bayolente ang reaksyon ng mga tao sa reklamo ni Mayor Bobby Eusebio ng Pasig City na dinaya siya ni Vico Sotto kaya ito ang nag-win sa midterm elections noong May 13.

Pare-pareho ang opinyon ng mga tao sa emote ni Eusebio, ikaw ang nakapuwesto, dinaya ka?

Seryoso si Eusebio sa plano nito na maghain ng protesta laban kay Vico sa Commission on Elections dahil hindi nga niya matanggap ang resulta ng eleksyon.

Hindi pa nagsasalita si Vico tungkol sa bintang na pandaraya ni Eusebio dahil inuna muna niya na matulog bilang ilang araw na siya na walang tulog.

Puyat na puyat si Vico sa pagbabantay sa resulta ng halalan at paghihintay sa na-delay na proklamasyon niya noong Martes bilang bagong mayor ng Pasig City.

Happy ang mga residente ng Pasig na waiting sa mga pagbabago na magaganap sa kanilang siyudad sa ilalim ng administrasyon ni Vico at siyempre, excited na sila na maganap sa bayan nila ang Sugod Bahay ng Eat Bulaga.

Siyempre, pinakamasaya ang mga magulang ni Vico na sina Vic Sotto at Coney Reyes dahil sa tagumpay ng kanilang anak na hindi nabahala na labanan ang itinuturing na matibay na pader sa Pasig City.

Alfred kailangan din ng tulog

Nagmumura rin ang eyebags ni Alfred Vargas nang iproklama siya ng COMELEC noong Martes bilang winner sa congressional race sa District V ng Quezon City.

Gaya ni Vico, ilang araw na walang tulog si Alfred dahil bukod sa pagmo-monitor sa eleksyon, nag-aaral pa siya para sa kanyang exams.

Desidido si Alfred na matapos ang kanyang master’s degree sa UP NCPAG kaya pinagsabay niya ang pag-aaral at pagli­lingkod sa District V residents.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with