Richard Yap
Richard, Andrea, at Monsour mabilis natanggap ang pagkatalo
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Isang araw pagkatapos ng eleksyon noong nakaraang May 13, ay tinanggap agad nina Monsour del Rosario, Richard Yap at Andrea del Rosario ang kanilang pagkatalo sa posisyon na kanilang tinakbo.

Hindi pinalad si Monsour na manalo bilang vice-mayor ng Makati City laban kay Monique Lagdameo. Naglingkod si Monsour sa Makati bilang konsehal at congressman. Inamin ng former action star na malaking sugal ang kanyang desisyon na tumakbo bilang bise-alkalde at maging running mate si Junjun Binay. Dati kasing kasama sa grupo ni Abby Binay si Monsour.

Pero maluwag sa kanyang dibdib ang pag-concede.

Nag-concede din ang Kapamilya actor na si Richard Yap dahil sa pagkatalo niya sa re-electionist na si Raul del Mar bilang congressman sa 1st district of Cebu City. Marami ngang trabaho na tinanggihan si Richard dahil sa pangarap niyang makapagsilbi sa kanyang hometown.

Sa kanyang Facebook, nasabi ni Yap na “disappointing” ang kanyang pagkatalo sa eleksyon:

Nabigo namang mare-elect ang aktres na si Andrea del Rosario bilang vice mayor ng Ca­latagan, Batangas. Tatlong taong nagsilbi bilang bise-alkalde ng Calatagan si Andrea at marami nga siyang natutunan at natulungan sa pagpasok niya sa politics.

Pero sa pagkakataong ito, hindi man nanalo ulit si Andrea, maluwag sa kanyang puso ang pagtanggap sa kanyang pagkatalo.

Dahil wala ng posisyon si Andrea sa gobyerno, marami na raw siyang panahon para sa kanyang anak na si Bea at sa kanyang showbiz career.

Lou Bonnevie mapaPAnood kahit hindi Earth Day

Ang ‘80s singer na si Lou Bonnevie ang nakaisip na i-produce ang concert na Into The ‘80s na magaganap sa May 18 sa Theater @ Solaire. Kasama ang kanyang husband-director na si Toto Gentica sa pagbuo ng nostalgic ‘80s theme concert na itatampok din sina Jam Morales, Raymond Lauchengco, Gino Padilla at Jett Pangan.

Sumikat bilang singer noong 1984 si Lou at punk rock ang naging image niya at naging big hits ang singles niya na I’m Every Girl at Rockin’ The Beat. Si Lou ay first cousin ng aktres na si Dina Bonnevie.

Sey nga ni Lou na tuwing Earth Day lang daw siyang napapanood na mag-perform kaya naisip niyang mag-produce ng concert kasama ang mga fellow ‘80s singer niya.   

Hindi nga nagbabago physically si Lou. Kasya pa raw sa kanya ang mga sinuot niyang mga leather skirts at jackets noong kasikatan niya noong ‘80s.

Lena Headey ng Game of Thrones, P2.5-M kada minuto ang kinikita

Ni-reveal ng isang fansite ng HBO series na Game of Thrones kung magkano ang kinikita ni Lena Headey sa kanyang pagganap bilang evil queen na si Cersei Lannister.

Sa kanyang mga eksena ay tumatanaw lang siya sa bintana, nagtataas ng kanyang kilay at umiinom ng wine, binabayaran si Lena ng tumatagin­ting na $48,000 o P2.5-M pesos a minute sa pagganap niya bilang si Cersei! Lumabas si Lena sa eight seasons ng Game of Thrones at kuwentahin na lang kung magkano ang kinikita niya kada season.

Sa final season ng GoT, may total ito ng 434 minutes at 25 minutes doon ay nagamit sa mga eksena ni Cersei. Kaya naman umabot sa $1.2 million ang binayad kay Lena.

Hindi naman nalalayo ang bayad kay Lena sa mga natanggap ng kanyang GoT co-stars na sina Emilia Clarke (Daenerys Targaryen), Nikolaj Coster-Waldau (Jaime Lannister), Kit Harington (Jon Snow), and Peter Dinklage (Tyrion Lannister).

RICHARD YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with