Enchong Dee
Enchong sumawsaw sa mga naghihimutok sa resulta ng eleksyon
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Ang tweet ni Enchong Dee na “A celebrity who prefers to stay silent during non-election years, and prefers popularity over social-political conversations, for me, is very much late to voice out their dismay,” bilang reaction sa mga kapwa celebrity na nagpahayag ng disappointment sa resulta ng elections, lalo na sa mga senador.

Walang binanggit na pangalan si Enchong, pero nabasa namin ang tweet nina Adrian Alandy at Felix Roco na hindi masaya at kinukuwestiyon ang pananalo ni Bong Revilla. Ang botante ang sinisi ng dalawa.

May ilan namang celebrity na walang binanggit na senatoriable na nanalo at in general ang pagkadismaya na pumasok sa Top 12 sina Bong, Bong Go, Bato dela Rosa, Nancy Binay at Lito Lapid. Kasama na rin sila sa tinukoy ni Enchong.

Nagpasalamat kay Enchong ang nakabasa sa kanyang tweets and in fairness to him, “maingay” nga siya sa social media kapag may mga isyu sa mga politician at hindi ito ang first time na siya’y nagsalita.

Matteo mahigit isang buwang mawawalan ng communication kay Sarah

Ipina-interview ng Viva Records si Matteo Guidicelli para sa release ng single niyang Sundo, pero hindi namin narinig ang kanta. Ipe-perform na lang daw ng live ni Matteo ang song sa launching sa May 24 , sa The Music Hall sa Metrowalk. Gusto pa naman naming marinig ang part ng song na nag-back up si Sarah Geronimo.

Original ng Imago ang Sundo at sabi ni Matteo, kaya ito ang napili niyang gawing single dahil love niya ang OPM at wala na silang time na magsulat pa ng original composition.

Kailangan makapag-record, ma-release at ma-launch ang single bago pa pumasok sa Camp Tecson si Matteo para sa 45 days training ng Scout Rangers Orientation Course. Kasamang magti-training ni Matteo ang cadets from PMA at gusto niyang pagdaanan para mas handa siya at mas alam ang mga ginagawa ng reservist ng Philippine Army kagaya niya.

Nag-volunteer maging reservist sa Philippine Army si Matteo, walang pumilit sa kanya para mas magawa ang kanyang advocacy, he’s not getting paid, kaya kung tutuusin, wala siyang kikitain sa 45 days na nasa Camp Tecson na nasa sa San Miguel Bulacan siya.

Dusa rin habang nagti-training si Matteo dahil bawal ang cellphone, kaya wala silang magiging communication with his family and Sarah.

Sa tanong ng reaction ng family niya at ni Sarah nang malamang pumasok siya sa Phil. Army at magti-training pa, “nabaliw sila” ang natatawang sagot ni Matteo. Pero dahil mahal siya at mahal niya ang Pilipinas at ang maging Pilipino, hindi siya napigil.

Sometime in July ang labas ni Matteo sa Camp Tecson, ang gumawa ng all-OPM album, mag-release ng more singles at gumawa ng album sa Viva Films ang kanyang gagawin.

ENCHONG DEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with