Bagong Darna hinahanap ang katulad ni Marian
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 16, 2019 - 12:00am

Bakit kaya hanggang sa ngayon, wala pang napipili ang Star Cinema na gaganap sa movie version nila ng action-drama fantasy series na Darna? Ang Star Cinema ang nabigyan ng rights ng mga Ravelo’s, ang lumikha ng fictional superheroine ay si Mars Ravelo, at naiwan sa pamilya niya ang pagbibigay ng rights kung sino ang gagawa nito, mapa-telebisyon o sa pelikula man.

Ang huling gumawa ng Darna ay ang GMA Network noong August, 2009. Si Marian Rivera ang gumanap sa role ni Darna.

Pero hanggang sa ngayon, after ni Liza Soberano na siyang napili ni Direk Erik Matti na gaganap na Darna, wala pang napipili ang siyang magdidirek ngayon na si Jerrold Tarog.  Muli nga silang nagpapa-audition ng possible na magiging Darna, pero wala pa ring balita, maliban sa baka raw si Nadine Lustre na ang mapipili nila.

Nabasa namin ang comment na ito sa Instagram, may katuwiran kaya sila kung bakit wala pang makuhang gaganap na Darna sa movie version nito?

Ayon kay @dodongipoy “Sa pagiging Darna...para maging perfect ka sa role, dapat may taglay kang super...super ganda, super kinis, super fit, super lakas ng appeal! Si Marian Rivera lang talaga ang nagtataglay lahat ng mga katangian na ‘yan na wala ang kahit sinong actress! Sa lahat ng aktres...siya lang ang complete package! Kahit itanong nyo pa sa mga Ravelo’s. Kahit sino pa mapili...hindi kayang pantayan o higitan ang nag-iisang Darna sa puso ng mga Ravelo! #realtalk”

Twenty five years old, 5’2” in height si Ma­rian nang gawin niya ang Darna in 2009.  Pero kitang-kita talaga noon pa na super-fit nga kay Ma­rian ang role ni Darna.

Ito ay pagkatapos niyang gawin ang first teleserye niya sa GMA, ang Marimar in 2007, sinundan ng Dyesebel in 2008.

Aicelle walang kapaguran!

Wala rin yatang kapaguran si internationally-acclaimed Kapuso singer na si Aicelle Santos. Pagkabalik niya mula sa Miss Saigon UK Tour, sunud-sunod na rin ang appearance niya sa mga musical shows ng GMA Network, particularly sa Sunday Pinasaya at Studio 7. Iyan ay sa kabila ng naghahanda na rin siya ng coming wedding nila ng fiancée niyang broadcaster, si Mark Zambrano.

Ngayon ay nasa Beijing, China si Aicelle dahil siya ang representative ng Pilipinas sa The Asian Civilization Carnival. Nakatakda siyang mag-perform sa Beijing National Stadium, na kilala ring Bird’s Nest, at aawitin niya ang kanyang version ng Nais Ko ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

Bago bumalik ng Pilipinas, nag-try si Aicelle na lakarin ang Great Wall of China, “some exercise for my old knees.” Of course, kasama niya si Mark at sabi niya, “Almost there, but first, we rest and we pose.”

STAR CINEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with