Mother Lily Monteverde
Regal walang planong sumuko sa pagpo-produce
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 15, 2019 - 12:00am

Ang movie producers na si Mother Lily Monteverde at anak na si Roselle pati si Wilson Tieng sa Shangri-La EDSA Hotel kahapon.

Kasama rin nila sa table si Annabelle Rama.

Nagkataon lang na nagkita-kita sila roon.

Ang tungkol sa katatapos lang na midterm elections ang isa sa mga napag-usapan nila. Sa lahat naman ng umpukan ngayon ang tungkol sa elections noong Monday ang topic ng usapan.

Marami kasi sa mga taga-showbiz ang “Winnie Santos” (winner) at mas marami naman ang “Lotlot de Leon” (lost)!

Dumating din doon si Direk Eric Quizon.

Mukhang may bagong project na naman na pinag-uusapan si Mother Lily, Roselle at Direk Eric.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagpo-produce ng Regal Entertainment, Inc. ng mga pelikula dahil tuloy pa rin ang kontrata nila sa ABS-CBN na siyang may airing rights (both TV and cable) sa kanilang mga project.

Actually, today nga ang presscon ng pelikula nilang Finding You na pinagbibidahan ni Jane Oineza at Jerome Ponce.

Kuwaresma at Between Maybes salpukan sa mga sinehan

Ngayon ang opening day ng Kuwaresma, ang first horror movie ni Sharon Cuneta.

Maraming supporters ng Megastar ang umaasang kikita ang pelikula.

Grabe raw sa katatakutan ang Kuwaresma.

Katapat ng Kuwaresma ang Between Maybes ni Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sana kumita nga ang dalawang pelikulang ‘yon lalo na at parang hindi masyadong naramdaman ang ibang Pinoy movies na ipinalabas nitong mga nakaraang linggo.

Iñigo sa abroad ilalabas ang unang single

Ang music video shoot kahapon ni Iñigo Pascual sa ABS-CBN compound sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sabi ng isang taga-Cornerstone na co-manager sa career ng anak ni Piolo Pascual, “Basta it’s music video ng upcoming first single niya abroad.”

Yes, ang bongga ni Iñigo at pang-abroad ang single na ‘yon, kaya wow na wow talaga!

‘Yun na!

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with