Dingdong tagos sa puso ang mensahe kay Marian sa Mother’s Day
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - May 14, 2019 - 12:00am

Tagos sa puso ang mensahe ni Dingdong Dantes sa asawang si Marian Rivera nitong Mother’s Day. Inilabas ni Dong ang mensahe sa unang family photo (Dong, Yan, Zia at Ziggy) na ibinahagi ng aktor sa Instagram.

“A realized dream – all because of you @marianrivera. Happy Mother’s Day to this little family’s Super Mom,” caption ni Dingdong.

Hangang-hanga naman si Sheena Halili sa winner na picture ng pamilya.

“Napaka gandang pamilya,” komento ni Sheena.

“This is too special!!!” comment naman ni Iya Villania.

Pinost din ni Yan ang family picture sa kanyang Instagram na may caption na, “Salamat Ama, for my greatest gifts!”

Umabot na sa mahigit 500K like ang post ni Marian as of this writing.

Ilang celebrities nagpakita ng concern ngayong halalan

Bumoto sa Sorsogon si Heart Evangelista kahapon dahil kandidato bilang Governor ang asawang si Sen. Chiz Escudero. Ipinakita pa ni Heart sa Instagram ang litrato ng daliri na may ink bilang katunayan.

Sa totoo lang, concerned din ang ilang celebrities sa halalang ngayon dahil nanawagan silang bumoto tulad nina Solenn Heussaff, Juancho Trivinio, Anne Curtis at maging si Miss Universe 2018 Catriona Gray kahit nasa New York City ngayon.

Isa si Anne sa mga maagang bumoto at sa IG eh, naglabasan ang pictures ng mag-asawang Robin at Mariel Padilla na sabay na bumoto, Jhong Hilario, Ruby Rodriguez at iba pa.

Naging normal na tao sila sa pagboto at walang VIP treatment mula sa namamahala sa presintong pinuntahan.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with