Alden Richards
Alden maraming gustong ikuwento sa nawalang ina!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 14, 2019 - 12:00am

Sa New York pinalipas ni Alden Richards ang Mother’s Day noong Sunday, May 12.  May 11 ang kanilang Musikalye sa Brooklyn ng GMA Pinoy TV na ginanap sa King’s Theatre, Brooklyn, New York, pero dito sa atin sa Pilipinas, May 12 na iyon ng umaga, kaya celebration na ng Mother’s Day. Nagkaroon ng ganoong segment sa show nila na they honored three mothers na kinantahan at binigyan ng flowers, nina Alden, Christian Bautista, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Golden Cañedo at Betong Sumaya.

May kurot nga sa puso iyong sinabi ni Rayver na feel nila ni Alden iyon dahil pareho silang wala nang mothers na puwede nilang kantahan, bigyan ng bulaklak at yakapin. Si Alden, almost 16 years old na siya nang mawala ang kanyang Mama Rio, si Rayver ay last February lamang sila iniwang magkakapatid ng kanilang Mommy Beth.

Kaya after ng show, maraming pinaiyak si Alden nang mag-post siya ng picture niya na parang umakyat pa siya sa isang mataas na lugar at ang caption niya sa kanyang Instagram wall: “Ma, ang dami ko nang kuwento... Thinking of you in this most special day. Love you. #HappyMothersDay.”

Maraming nag-post na mga kasamahan niya sa showbiz, ng comments na sure daw silang nakikita siya at masaya ang Mama Rio niya dahil natupad niya ang pangarap ng ina na maging artista siya, at nahigitan pa niya ang dream nito, hindi lamang sa sarili niya kung hindi sa kanyang pamilya.

Malamang bukas, May 15, nakabalik na si Alden from New York, para ituloy ang shooting niya ng Hello, Love, Goodbye na first team-up nila ni Kathryn Bernardo for Star Cinema.

Sophie at Max magtutuos

Hinihintay na ng netizens ang confrontation scene nina Jessie (Max Collins) at Reign (Sophie Albert) sa GMA Afternoon Prime drama series na Bihag. Awang-awa na raw kasi sila kay Jessie na ninakawan na ng anak, inagawan pa ng asawa na kagagawan lahat ni Reign. Ang masakit pa, si Reign ay alam lahat ang galaw ni Jessie dahil nakipagkaibigan siya rito pero ipinakilala ang sarili bilang si Marie.

Hindi ba natatakot sina Max at Sophie kapag dumating na ang confrontation nilang dalawa? Ang totoo raw ay excited na rin sila dahil hindi pa nila alam kung paano mabubuko ni Jessie si Marie/Reign.

Ang Bihag ay napapanood araw-araw, after ng Dragon Lady.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with