AiAi ginulat ng anak
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 13, 2019 - 12:00am

Biglang umiyak si Comedy Queen AiAi delas Alas kahapon sa celebration ng Mother’s Day sa top-rating Sunday noontime variety show na Sunday PinaSaya. Nagulat muna siya nang biglang mag-appear ang kanyang panganay na si Sancho na may dalang bouquet of flowers. Biro pa niya kay Sancho, “hindi ito Ang Probinsyano, SPS ito” then bigla na lamang siyang humagulhol ng iyak.

“Nagtatampo yan,” sabi ni Sancho kay Jose Manalo. “Sinadya ko kasing hindi siya batiin ng ‘Happy Mother’s Day’ dahil gusto ko siyang sorpresahin.

“Ma, Happy Mother’s Day. Mahal na mahal kita” sabay yakap nang mahigpit kay AiAi na tumigil na ng pag-iyak. Ipinaliwanag ni AiAi na nagulat siya dahil kasalukuyan ngang napapanood sa Ang Probinsyano si Sancho, nang biglang umapir sa GMA-7.

Jasmine patuloy pa rin sa pangangalaga sa kalikasan

Patuloy pa rin pala si Jasmine Curtis Smith in advocating for awareness and education on becoming more conscious about our environment and sustainable tourism.

“With the #JuanEffect program, I have pledged to bring my own eco bag, bottle and, throwing my trash properly,” sabi ni Jasmin. “Not just when I travel but more importantly in my everyday life!  You can also make a pledge and share your pledge with your friends and family.  Let’s keep doing our part.”

At si Jasmine patuloy pa rin nga siya sa kanyang Juan Effect program. This weekend, nakita siya sa isang beach, namumulot ng mga bote at basura, inilalagay niya sa halos mapuno nang eco bag na dala niya.

Kapag walang work sa Manila, nasa La Union si Jasmine with boyfriend Jeff Ortega dahil may business sila roon.

But very soon, magsisimula na rin si Jasmine ng bago niyang teleserye sa GMA Network. Sa ngayon, ay nasa preparation na ang big-budgeted series na malamang magsimula na ang taping next month.

Masaya si Jasmine sa nababalitaan niya na patuloy na sinusubaybayan ng mga netizens ang epicserye nilang Sahaya at tumataas ang rating nila gabi-gabi.

Si Jasmine kasi ang gumanap na batang Manisan, ang nanay ni Sahaya (Bianca Umali), at ginampanan niya ang role hanggang noong bata pa si Sahaya at nang maging teenager na ito, si Mylene Dizon na ang gumanap na Manisan. Paminsan-minsan ay napapanood pa rin si Jasmine kapag may flashback ng eksena noong bata pa si Sahaya.

Napapanood ang Sahaya gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia.

Kuwaresma dedma sa eleksiyon!

Election day ngayon, pero walang makapipigil sa Reality Entertainment at Globe Studios para sa red carpet premiere night ng Kuwaresma ang first horror movie ni Megastar Sharon Cuneta. Mamayang gabi ito magaganap sa Cinema 1 ng SM Megamall, 7:00 PM.  Dadaluhan ito ng buong cast, Sharon, John Arcilla, ang magkapatid na sina Ken at Pam Gonzales at iba pang special guests sa movie.

Last Thursday, May 9, nagkaroon na ito ng special screening sa UP Film Center at lahat ng mga nakapanood ay nagsasabing talagang nakakatakot ang movie na dinirek ni Erik Matti, kilalang director sa paggawa ng kanitong genre ng movie.

Sa Wednesday, May 15, ang opening nito in cinemas nationwide.

AIAI DELAS ALAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with