Sharon nakabalik sa Eat Bulaga
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 12, 2019 - 12:00am

Tamang-tama ang paggi-guest ni Megastar Sharon Cuneta kahapon sa Eat Bulaga para sa Mother’s Day celebration ng long-running noontime show. First time niyang naka-duet ang Broadway Boys ng kanyang mga top hits.“Ang Eat Bulaga po ang unang bahay ko talaga, ang unang family ko,” sabi ni Sharon. “Lumaki ako sa pangangalaga ng tatlo kong tatay dito, sina Tito Sen, Tito Joey de Leon at si Bossing Vic Sotto, at miyembro po ako ng Escalera family.

“Kaya salamat sa Eat Bulaga na pinayagan akong mag-promote dito ng first horror movie ko, after ng 56 drama movies, saka pa lamang ako nakagawa ng horror, matapos kong ma-meet si Direk Erik Matti. Sana po ay panoorin ninyo kami sa Wednesday, May 15, ito po ang Mother’s Day presentation ng Reality Entertainment at Globe Studios, at malalaman ninyo kung bakit pang-Mother’s Day ang movie namin. May premiere night po kami sa Monday, May 13 sa SM Megamall. Iyong trailer po na napanood ninyo, wala po iyon sa kabuuan ng movie namin na katambal ko si John Arcilla at mga anak namin ang dalawang mahuhusay na newcomers, sina Ken at Pam Gonzales.”

Shaira walang kiyeme kung humalik kay Gabby!

Nagulat si Shaira Diaz nang sabihing maraming naiinggit sa kanya bilang si Sam sa romantic-comedy series na Love You Two. Bakit daw siya kaiinggitan hindi naman siya ang bida ng romcom kundi sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado,

Natawa si Shaira nang sabihing naiinggit sa kanya ang netizens na napapanood siya gabi-gabi kung gaano sila ka-close ni Jake (Gabby). Biro pa namin kay Shaira, nagugulat daw sila kapag bigla niyang kini-kiss si Jake at iyong paglalambing niya sa kanyang boyfriend.

“Naku, ginagampanan ko po lamang ang role ko at sinusunod ko kung ano ang hinihingi ng script. Pero thankful po ako dahil nagagawa ko pala ang role ko kaya sila naiinggit sa akin. Napaka-gentleman po naman ni Kuya Gabby kaya comfortable po ako sa mga eksena namin together.”

Ang Love You Two ay dinidirek ni Irene Villamor at napapanood pagkatapos ng Sahaya sa GMA-7.

Eleksyon 2019 ng GMA-7, worth P63-M!

Nakaka-excite nang panoorin ang Eleksyon 2019 coverage ng GMA Network para makita ng televiewers kung ano ang mai-o-offer nila buhat sa paggastos nila ng P63-million state-of-the-art news set na gagamitin nila simula bukas, May 13, election day. 

Kasama sa multi-million investment ng network ang pagkuha nila ng state-of-the-art equipment, ang pinakabagong media technology para sa mga manonood nila

Kasama raw dito ang ipinakikita nilang two Barco video walls, LED floor, LED videowall at nine (9) LFD monitors. Ang bagong set at lighting design ay ginawa ng U.S. based company FX Design Group na ginamit na rin ng mga top broadcasters sa buong mundo. Sinasabi ring ang GMA ang first channel sa Pilipinas na gagamit nito.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with