Maine walang kapaguran!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 11, 2019 - 12:00am

Wala yatang kapaguran this week si phenomenal star Maine Mendoza. Abala siya sa tapings and photo shoots, at daily appearance sa Eat Bulaga, at today, isi-celebrate nila ang Mother’s Day at special guests nila ang mga celebrity mom.

Tuesdays ang taping ni Maine ng sitcom nila ni Vic Sotto ng Daddy’s Gurl, na mapapanood after ng Pepito Manaloto with special guest Solenn Heussaff.

Two days din this week, after ng EB live, na-taping sila ng two episodes na mapapanood sa election day, May 13, at sa Tuesday, May 14.

Tomorrow naman, Sunday, special guest si Maine sa Sunday Pinasaya.   Last Wednesday, na-excite si Maine nang siya ang imbitahin ng The Boobay and Tekla Show para sa kanilang Mother’s Day tomorrow, Sunday, May 12.

“Napapanood ko na po ang The Boobay and Tekla Show (TBATS) at tawang-tawa ako sa mga episodes nila kaya natuwa ako nang sabihing maggi-guest ako sa show nila,” sabi ni Maine. “Nakakasama ko na rin po sila sa Eat Bulaga pag naggi-guest sila, pero iba ang kanilang show, at natuwa ako nang sa segment nilang Pranking In Tandem ako inilagay. Pero ang hirap magpigil ng pagtawa. Kaya thankful po ako kina Boobay at Super Tekla, na naging very supportive sa akin during the ta­ping.”

Natuwa rin ang staff ng show dahil ipinakita ni Maine ang wacky side niya when she tries to pull a prank on a group of artista hopefuls.

Guests din sa TBATS this Sunday, sina Jeric Gonzales at David Licauco na mapapanood pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Migo at Miguel may labanan 

May nabuo nang Team Ahmad at Team Jordan ang netizens na sumusubaybay sa top rating epic serye na Sahaya. Ang Badjao na si Ahmad ay si Miguel Tanfelix ang leading man ni Sahaya played by Bianca Umali.  Ang Manilenyong si Jordan ay si Migo Adecer, Starstruck 6 grand winner, actor, recording artist at ngayon ay isa sa inaabangan sa Sahaya lalo na at nagsimula na ang labanan nila ni Ahmad sa pag-ibig ni Sahaya. Siyempre, si Miguel, napatunayan na niyang isa siyang mahusay na actor.

Ang Sahaya ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Kara Mia sa GMA 7.

Sharon eeksena sa EB

Very special guest today si Megastar Sharon Cuneta sa Eat Bulaga to promote her first horror movie, ang Kuwaresma from Reality Entertainment and Globe Studios na first time rin niyang makakatambal si John Arcilla. Sa Wednesday, May 15, ang opening ng Kuwaresma in cinemas nationwide, na dinirek ni Erik Matti.

First time ni Sharon na kakanta with the Broadway Boys ng kanyang mga tophits. Ise-celebrate rin ng EB ang Mother’s Day kaya mga celebrity moms ang kasabay maggi-guest ni Sharon.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with