^

Pang Movies

Empoy tuwang-tuwa na kamukha na si John Lloyd

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Empoy tuwang-tuwa na kamukha na si John Lloyd

Natawa na lang ang Kapamilya comedian na si Empoy Marquez sa comment ng ilang netizens na lookalike na raw niya si John Lloyd Cruz ngayon.

Nag-circulate kasi sa social media ang balbas sarado na si JLC nang minsan may nagpa-selfie rito na isang fan sa probinsya.

Inakala ng marami na magkakaroon ng comeback si JLC sa showbiz kaya bigla itong nagpakuha ng photo kasama ang isang fan.

Dahil nga may balbas at bigote si JLC, si Empoy agad ang naisip ng netizens na kamukha nito. Pati raw ang buhok ngayon ni JLC ay parang buhok na ni Empoy.

Noong mag-guest si Empoy sa Tonight with Boy Abunda, tinanong siya sa balita na siya na raw ang bagong kambal ni JLC.

Thankful si Empoy kay JLC na siya raw ang idol nito.

Heto ang sagot ni Empoy: “Masaya ako dahil idol niya ‘ko. Magkamukha naman talaga kami ni John Lloyd dati pa!”

Tyra Banks nagpainit sa suot na bikini

Sa edad na 45, nagbabalik ang ‘90s supermodel na si Tyra Banks sa cover ng Sports Illustrated Swimsuit edition.

Tinawag ito ng Sports Illustrated na “ultimate comeback” ng supermo­del-turned-TV host and producer.

 Si Tyra nga ang first black woman na malagay sa cover ng naturang magazine in 1997. Kaya hindi makapaniwala ang producer at host ng America’s Next Top Model na muli siyang nakalagay sa cover after 23 years.

“My first cover was 23 years ago, how crazy is that?!” nasabi lang ni Tyra na sumikat din bilang CoverGirl at Victoria’s Secret Angel in 1993. 

Ito nga ang ikatlong beses na malagay sa cover ng naturang magazine si Tyra. Una ay noong 1996 at sumunod ang solo cover niya in 1997.

Julie Anne at Rayver nagpakilig sa Big Apple

Sobrang kinilig ang New York-based fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz nang malaman nilang nasa Brooklyn na ang dalawa para sa May 11 show nila na Kapusong Pinoy Studio 7 Musikalye sa Brooklyn.

JuliVer ang tawag sa mga fan nila Julie at Rayver na nagsimula sa Sunday musical variety show na Studio 7. Bagay nga raw kasi ang boses nilang dalawa sa isa’t isa kaya kahit na nali-link si Rayver kay Janine Gutierrez, may kilig pa rin silang nararamdaman kapag kasama ni Rayver si Julie onstage.

Sa post ng GMA Network sa Instagram, makikitang kahit pagod sa mahabang flight, smile pa rin sina Julie at Rayver.

vuukle comment

EMPOY MARQUEZ

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with