Bianca pangarap magkaroon ng solo exhibit
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 11, 2019 - 12:00am

Tinanong namin si Bianca Umali kung ano ang masasabi niya at ngayon ay tinatalo na ng kanyang serye ang serye ni Angel Locsin.

“Naku, nakakabigla po iyon, at saka hindi ko po iniisip ang ganoon. Kung tumaas man po ang ratings namin salamat, pero hindi ko po iniisip na matalo si Ate Angel. Kasi isa po siya sa mga artistang hinahangaan ko, at para sa amin isa siyang inspirasyon dahil hindi po ba nagsimula naman siya at sumikat talaga bilang isang Kapuso,” sabi ni Bianca.

Noong isang araw ay pumirma rin kasi si Bianca bilang endorser ng Xcess Salon, isang chain ng beauty spa na ang may-ari naman ay si Federico Moreno. Sinasabi ni Freddie na nakamulatan din daw kasi niya sa papa niya, si Kuya Germs, na kailangan maganda ang mga artista. Hindi lang naman artista ang kailangang maging maganda kung di lahat ng babae, kaya niya naisipan ang negosyong iyon at sa tulong ng GMA 7, ang endorser nga niya ngayon ay si Bianca.

Si Bianca naman, sinasabing pinagsisikapan niya nang husto ang kanyang career, ang kanyang show at ang kanyang pag-aaral.

“Ngayon po ay may isa pa akong pinaghahandaan. Gusto ko po kasing magkaroon ng isang one woman show. Nagpipinta rin po kasi ako. Bata pa po ako, nagsimula na akong mag-sketch, at ngayon kahit wala pa naman akong masasabing formal training, unti-unti sinasanay ko na ang sarili ko dahil gusto ko naman magkaroon ng solo exhibit siguro mga isa o dalawang taon from now.

“May iba na po akong nagawa, oil ang aking medium, pero lahat po iyon para sa personal collection ko lang muna. Mahirap din po kasi eh, iyong schedule ko halos walang pahinga sa ngayon. Gusto ko naman basta nagpipinta ako iyong talagang may panahon. Kaya sabi ko nga siguro mga next year masisimulan ko na iyan. Iyan po iyong isang matagal ko nang pangarap,” sabi pa ni Bianca.

Mukhang malayo nga ang mararating niyang batang iyan.    

Anak ni Kuya Germs magtatayo ng talent agency

Ito namang si Federico Moreno, may iba pa rin namang plano. Hindi naman siya talagang mahilig sa showbiz, kahit na sa totoo lang exposed siya dahil lagi siyang kasama ni Kuya Germs noong araw. Sinasabi nga niya “ang playground ko noon ay ang studio”.

Pero hindi nga niya maiwasan ang showbiz, dahil nang yumao si Kuya Germs, wala siyang choice kundi ituloy ang lahat ng nasimulan noon, kabilang na ang Walk of Fame, at saka ang German Moreno Youth Achievement Award. Tapos ini-appoint pa siyang member ng MTRCB. Papaano nga ba niya maiiwan ang showbusiness?

May mga nagtatanong daw sa kanya, may isa pa kasing advocacy si Kuya Germs, at iyan ay matulungan ang mga kabataang gustong maging artista. May nakausap naman daw siyang ibang mga taong makakatulong, at may balak siya na magtayo ng isang international talent agency, dahil naniniwala siya na ang mga artistang Pilipino ay hindi lang sa local showbiz kung di maaari ring pumasok sa mga international movies, at maging sa mga concert. Kung makakatulong nga naman na maipakilala ang mga Filipino talents hanggang sa abroad, aba eh napakaganda noon.

Pero sa ngayon, abala pa siya sa Xcess Salon na mayroon na palang 36 branches, pero sinasabi niya very soon maaari niyang simulan ang kanyang international talent agency.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with