Herbert Bautista
Herbert magkaka-oras na uli sa showbiz
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 10, 2019 - 12:00am

Hanggang June na lang ang trabaho ni Mayor Herbert Bautista sa City Hall ng Quezon City at pagkatapos nga noon, uupo na ang bagong mayor.

Matapos ang mahabang panahon ng public service, mukhang napagod din naman si Mayor Bistek at ngayon sinasabi nga niyang ang gusto naman niya ay quality time para sa kanyang mga anak.

Wala naman siyang napabayaan sa mga anak niya. Nabibigyan naman niya ng panahon ang mga iyon lalo na sa mga pagkakataong kailangan siya, pero ang tingin niya, kulang pa rin ang kanilang bonding at iyon muna ang gusto niyang harapin sa ngayon.

Ayaw na muna niyang isipin kung sa darating na panahon ay babalik pa siya sa pulitika, basta ang gusto niyang isipin sa ngayon ay pamilya muna.

Actually may isa pang napapabayaan si Mayor Bistek, at iyon ay ang kanyang pagiging artista. Sa buong panahon na nasa public service siya, minsan lang siya nakagawa ng pelikula, maikli pa ang kanyang role at ginawa nang madalian dahil isinisingit nga lang niya iyon sa kanyang schedule bilang isang mayor. Ngayong may sapat na siyang panahon, maaari na rin niyang haraping muli ang kanyang pagiging artista dahil sa totoo lang, iyon ang matagal na ring hinanakit ng kanyang fans. Simula nga kasi nang maging public official siya, hindi na siya lumabas pa.

Sinasabi ngayon ni Mayor Bistek na parang ang nararamdaman niya ay isang napakalaking relief, at naniniwala siyang tama ang kanyang desisyon na magpahinga na muna, after all nagawa na naman niya ang halos lahat ng kailangang gawin para sa Quezon City, at sinasabi nga niyang kung maglilingkod man siya, gusto niyang sa lungsod na lang muna ulit.

Nadine mas bagay sa drama kesa Darna

Kumalat ang isang video kung saan ipinakita si Nadine Lustre na sumigaw ng “Darna”. Sumigaw lang naman siya dahil pinasubukan sa kanya. Hindi naman siguro nangangahulugan iyon na talagang seryoso siya sa ambisyong maging Darna, lalo na ngayon at nagpa-audition na nga ang producers para makahanap ng isang baguhang magagawa nilang super hero.

Kanya-kanyang opinion iyan eh, pero kung kami ang tatanungin, may mga nagawa nang roles si Nadine na okay naman at siguro nga dapat niyang pagbutihin na lamang ang roles niyang drama. Baka mawala pa sa ayos kung lalabas pa siyang Darna.

Tingin namin parang hindi bagay eh.

Baguhang aktor na piniktoryal ni Direk, nagkalat sa gay sites

Na-shock ang isang baguhang male star at commercial model din nang ipakita sa kanya ng mga kaibigan ang isang picture niyang nakahubad na kumakalat ngayon sa internet. Ang hinihintay ng mga kaibigan niya ay mag-deny siyang siya nga iyon. Maaari naman niyang sabihing photoshop iyon. Pero matapos matigilan sandali ay wala siyang nasabi kung si “si direk iyan”.

Isang director pala ang kumuha ng picture, na sinasabing test shots lang daw at wala namang ibang makakakita dahil buburahin naman agad. Hindi pala binura ni direk, at ayun nga, kumalat na sa gay sites.

Kawawa rin naman iyong mga madaling mabola talaga.Take note ha, nirerespeto pa naman sa industriya iyang si direk.

HERBERT BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with