Kyline Alcantara
Kyline may sepanx!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 10, 2019 - 12:00am

Umalis na kagabi ang grupo ng Kapuso artists na sina Alden Richards, Betong Sumaya, Golden Cañedo at Kyline Alcantara para sa Kapusong Pinoy Studio7 #Musikalye sa Brooklyn, Kings Theatre sa Brooklyn, New York, tomorrow, May 11.

Umalis si Kyline na may sepanx (separation anxiety) dahil magwawakas na sa May 17 ang kanyang afternoon prime drama series na Inagaw na Bituin na thankful ang followers niya dahil siya na ngayon ang bidang-bida sa serye.

Kung after ng show nila sa New York ay hindi na rarampa o mamamasyal si Kyline, malamang abutan pa niya ang grand finale ng Inagaw na Bituin, na napapanood after ng Bihag.

Rita at Ken grabe ang lambingan habang nagri-rehearse

Nasa Instagram stories ni Rita Daniela ang lambingan nila ng ka-love team na si Ken Chan, habang nagri-rehearse sila para sa concert nilang My Special Love: #BobreyInConcert bukas, May 11, sa Music Museum.

Naging good vibes sa fans ng magka-love team sa My Special Tatay na makita nilang kahit matagal nang tapos ang kanilang afternoon serye ay vibes na vibes pa rin ang dalawa. Natutuwa silang sa off-cam shots nila may kasama pang akbayan at tawanan.

Kung wala pa kayong tickets, bisitahin lamang ang website na ticketworld.com or tumawag sa 891-9999.

Kara Mia sumisipa kahit paano

Thankful ang GMA Network primetime telebabad sa netizens na sumusubaybay sa kanilang mga teleserye gabi-gabi, tulad ng Kara Mia, Sahaya, Love You Two at even the late time slot, ang Lakorn from Thailand, The Crown Princess.

Aminado naman ang GMA na mas mataas pa rin ang FPJ’s Ang Probin­syano laban sa Kara Mia, pero tumataas at humahabol ang kanilang rating.

Ang very sweet pero palaban namang si Bianca Umali sa Sahaya ay type na type din ng netizens, ngayong lumalaban na siya sa mga nangyayari sa buhay niya at ng kanyang pamilyang Badjaw.

Good vibes naman gabi-gabi ang dating ng Love You Two nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

At ang Lakorn na The Crown Princess hahanga ka sa action scenes na ginagawa ni Princess Alice at ng kanyang chief guard na si Dawin bukod pa sa pareho silang good looking.

Napapanood sila gabi-gabi after ng 24 Oras.

KYLINE ALCANTARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with