Daniel Padilla
Captain Barbell bagay kay Daniel
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 9, 2019 - 12:00am

Mas pinag-iinteresan kesa kay Darna

Nag-isip din kami doon sa sinabing dahil sa kung anu-ano ang nangyayari riyan sa project na Darna, ay itigil na muna ‘yan dahil lahat nang makuha nilang artista napipilayan lang. Bakit daw hindi na lang nila gawin ang Captain Barbell na kuwento rin ni Mars Ravelo at ang gawin nilang bida ay si Daniel Padilla?

Una, sa napansin kasi natin ngayon ang mga pelikulang dayuhan ay puro male superheroes ang ginagawa. Mas madaling gawin, mas malakas pa ang hatak sa masa. Kasi nga hindi lang dito sa atin, maski naman sa abroad talagang mas malaki ang following ng male super heroes.

Ikalawa, walang dudang napakalakas ng batak ni Daniel Padilla, at medyo inabangan nga ng kanyang fans at ilang usisero ang kanyang commercial ng isang hotdog noong araw dahil lamang nakasuot siya ng spandex kaya tiyak na ganoon din ang mangyayari kung siya ang lalabas na Captain Barbell. At huwag na nilang papalitan ang costume, iyong ganoon na rin mismo.

Mas masa pa ang appeal ng kuwento, tungkol sa isang binatang inaapi-api lamang, si Tengteng, na nabigyan ng kapangyahiran para maging kalaban ng kasamaan, si Captain Barbell.

Aba napapanahon ang ganyang kuwento. Hayaan ninyong si Captain Barbell ang humabol sa mga pusher. Ipahabol din ninyo sa kanya ang mga gumagawa ng extra judicial killings. Hindi ba magiging relevant pa siya?

Maski nga sa movie press, ganoon din ang sinasabi. Bagay na Captain Barbell si Daniel. Isipin ninyo kung kailan pa ang huling Captain Barbell, iyon pang ginawa sa TV ni Richard Gutierrez. Sa pelikula matagal nang wala talaga.

Aiko hinahamong magpa-drug test sa buhok

Nagsampa ng demanda si Aiko Melendez dahil sa nagbibintang sa kanyang kasali diumano siya sa problema ng droga. Madali lang namang patunayan ni Aiko ang mga bagay na iyan, edi-isumite niya ulit ang kanyang sarili sa isang drug test, na dati na naman niyang ginagawa para mapatunayan na hindi siya talaga gumamit niyan. Ang pinaka-mabisa raw na trace ay kung ang kukuning sample ay sa buhok dahil doon hindi talaga nawawala ang traces ng droga kung gumamit ka.

Basta napatunayan na niya beyond reasonable doubt na hindi siya gumamit ng droga, babalik naman ang problema doon sa nagbibintang sa kanyang involved siya sa droga. Pero matagal iyang kasong ganyan. Tapos ang eleksiyon na siyang talagang ugat ng problema, at saka pa lang magsisimula ang kaso.

Magkakapitpitan iyan.

Aktres na laos pinapatulan lahat para mapansin!

“Patola queen kasi siya,” sabi nila tungkol sa isang female star na wala nang ginawa kung ‘di patulan ang lahat ng usapan sa social media.

Palagay namin kaya niya ginagawa iyon ay dahil naniniwala rin siya na kahit na papaano publicity mileage din naman iyon para sa kanya. Wala nang pinakanakakatakot sa isang artista kung hindi iyong mapansin nila na hindi na sila pinag-uusapan.

Pero ganoon naman talaga eh, basta medyo natatabi ka na, wala ka na sa gitna ng limelight, talagang hindi ka na gaanong mapag-uusapan unless napakagaling mong talaga. Eh kung pra la la lang ang gumawa sa iyo. Iyon na iyon.

DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with