Karla Estrada
Karla inuuna ang kampanya kesa kina Jolina at Melai!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - May 9, 2019 - 12:00am

Madalas na absent sa Magandang Buhay si Karla Estrada dahil tumutulong siya sa kampanya sa pagka-congressman ng tatay ng panganay niyang si Daniel Padilla, si Rommel Padilla.

Kandidato sa first district ng Nueva Ecija si Rommel at hindi lang si Karla ang tumutulong dahil pati si Daniel ay nangangampanya rin.

Siyempre, si Robin Padilla, grabe rin ang pangangampanya kay Rommel.

Nami-miss naman si Karla ng viewers ng Magandang Buhay.

Iba pa rin kasi ang show kapag kumpleto sila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. Nakaka-miss ang asaran nila sa show.

Pero siyempre, marami ang nagsasabing bilib sila sa samahan ng mag-ex na Karla at Rommel dahil friends pa rin sila at nagsusuportahan.

I’m sure, masaya si Daniel sa set up ng kanyang parents.

At least, kahit mag-ex ang mga ito, friends pa rin naman!

Nang maka-text ko nga si Karla kahapon, sinabing halos araw-araw na ang pagkakampanya niya kay Rommel at hanggang sa Saturday na ‘yon na last day of campaign para sa mid-term elections on Monday.

Coco mukha ring kandidato

Si Coco Martin, grabe rin ang pagka-campaign para sa mga kaibigan.

Tuwing weekend nga, kasama siya sa iba’t ibang lugar kung saan nagka-campaign ang party-list na Ang Probinsyano.

Nakakaaliw ang ibang mga nakakakita kay Coco sa campaign ng Ang Probinsyano party-list dahil marami ang nag-aakalang nominee rin siya.

Imposible namang nominee si Coco ng nasabing party-list dahil gabi-gabi (Monday-Friday) siyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Pati si Yassi Pressman, madalas ding mag-campaign para sa nasabing party-list.

Eddie, Annabelle at Ruffa nakipag-dinner kay P. Duterte

Ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama si Ruffa Gutierrez sa invitational dinner sa Malacañang Palace ni President Rodrigo Duterte at Ms. Honeylet Avanceña.

Maraming celebrities ang nag-attend doon kasama na ang mag-asawang Robin at Mariel (Rodriguez) Padilla.

KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with