Bianca Umali
Akting ni Bianca kinakabog si Angel?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Philstar.com) - May 8, 2019 - 12:00am

Hindi kami nabigla sa nakita naming survey report na tinalo ng seryeng Sahaya ni Bianca Umali ang The Gene­ral’s Daughter ni Angel Locsin.

Openly, sinasabi naming gusto na­ming aktres si Angel Locsin. Hindi lang siya maganda kung hindi mahusay naman talagang umarte. ‘Di hamak na mas sikat din siya, pero iyon nga siguro ang naging problema, masyado nilang inasahan ang popularidad ni Angel Locsin.

Noong magsimula ang Sahaya, sinilip namin ang serye para malaman kung ano iyon. Kasi marami na rin namang naunang ganyang serye na lumabas na wala ring kuwenta eh. Pero mukhang naiba ang Sahaya. Mukha ngang mas maganda ang research. Bagama’t alam naman natin na hindi kinukunan ang serye sa Tawi-tawi o alin mang bahagi ng Sulu kung saan naroroon ang mga Badjao, nakagawa naman sila ng sets na mukhang totoo.

May nakikita rin kaming kaunting pagkakaiba sa mga dance movement. Alam ninyo iyang mga muslim, iba’t iba ang galaw niyan sa sayaw batay sa tribu, at noong araw ay gumawa kami ng isang malawakang research tungkol diyan. Iyong dance movement nila, hindi Badjaw kung hindi more on Maranao. Pero pasado na iyon dahil hindi naman ‘yan alam ng mga tao. Siguro ang mga makakapuna lang niyan ay iyong mga miyembro ng Bayanihan Dance Company, pero kung hindi ok na iyon.

Napansin din namin na namuhunan sila sa isang malaking supporting cast. Lahat ng nagbibigay ng support ay malala­king artista. Pero ito ang matindi, ewan kung bakit ngayon lang, napalutang nila ang talent at kagandahan ng bidang si Bianca Umali. Sa totoo lang hindi namin napapansin iyan noong araw eh. Aba bigla yatang gumanda. Dahil na ba iyan sa pagpapa-ayos niya sa Xcess Salon ni Federico Moreno? Pero napakalaki nga ng ipinagbago ng hitsura ni Bianca Umali. At iyong feedback na naririnig namin ha, mukhang siya na ang crush ng mga kabataan ngayon.

Iyong Miguel Tanfelix din, hindi na nagpapa-cute. Umaarte na rin siya.

Lea at Gerard naiinis na sa mga sintunadong singer!

Pinuna ng magkapatid na Lea at Gerard Salonga ang mga kumakanta nang wala sa tono sa telebisyon. Si Lea, isang mahusay na singer iyan, at alam namin primera vista iyan sa piano, kaya hindi mo mapaglalakuan pagdating sa dapat na tunog ng musika. Kabisado niya bawat nota eh.

Iyang si Gerard, isang conductor. Alam naman ninyo ang mga conductor, isang instrumento lang ang wala sa tono sa isang orchestra, maririnig niyan. Hindi mo rin mapaglalakuan sa tono.

Ang tanong lang naman nila, bakit pinababayaan iyang mga wala sa tonong pagkanta. Napaka-unprofessional nga naman. Ang professional lang na kumakanta nang wala sa tono ay ang yumaong si Ading Fernando. Siya lang at wala nang iba.

Matteo to the rescue sa mga sundalong sugatan

Hanga sila kay Pvt. Matteo Guidicelli ng Philippine Army, nang bisitahin pa niya ang mga sundalong nasugatan sa laban sa Mindanao. Iyan ang magandang example ng isang kabataan na gustong ipagtanggol ang tunay na kalayaan. Sumasama sa legal at nasa tamang kapangyarihan. Hindi iyong sumasama sa mga nanggugulo lamang sa bayan.

Si Pvt. Guidicelli, kung kami ang tatanungin, ang dapat na pamarisan.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with