Panalo ng Rainbow’s Sunset sa Houston natabunan ng ingay ng mga Chinese
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Philstar.com) - May 8, 2019 - 12:00am

Nakakatawang nakakainis ang naging experience ng cast ng Rainbow Sunset sa 52nd Annual Worldfest-Houston International Film Festival, sa Houston, Texas.

Dumalo roon ang producer ng Rainbow’s Sunset na si Ms. Harlene Bautista, director Joel Lamangan, Tony Mabesa, Eric Ramos, at Ferdie Lapuz.

Isang magandang event ito dahil for the first time, sinuportahan ng Metro Manila Film Festival ang pagpunta nila sa Houston. Kasama pa nila sina MMFF Overall Chairman Danilo Lim and Executive Chairman General Manager Jojo Garcia.

Ano ang nangyari sa awards night? “Ang ingay-ingay kasi sa venue, ang iingay kasi ng Chinese delegation, na sa kanila naka-focus ang gabing iyon,” kuwento ni Direk Joel. “Kaya kami hindi namin alam na nanalo kami. Bumalik kami sa rooms namin na malungkot dahil wala kaming natanggap na award. Mabuti na lamang may nag-check sa list ng winners at sinabing nanalo raw ang Rainbow’s Sunset.

“Naroon naman iyong mga trophies namin, at nag-abutan na lamang kami ng awards namin sa labas ng room namin dahil paalis na kami papuntang airport dahil babalik na kami ng Pilipinas.”

Ang Rainbow’s Sunset ang nanalo ng Special Jury Prize, it also baged the Gold Remi award for best story innovation, for scriptwriter Eric Ramos and Best Actors sina Eddie Garcia at Tony Mabesa.

Ang MMDA ay sumuporta rin sa Rainbow’s Sunset sa CinemAsia Film Festival in Amsterdam held last March.

Hindi pala nakasama si Eddie Garcia na mag-attend ng awards nights sa Houston dahil hindi niya maiwanan ang sinu-shooting niyang movie sa Viva Films. Biniro tuloy si Eddie kung ano pa ang role na gusto niyang gampanan sa mga susunod niyang movies.

“Halos lahat naman ng roles nagampanan ko na, hindi ako tumatanggi sa ibinibigay nilang role sa akin dahil every role na gawin ko is a challenge for me.  Isa na lamang role siguro ang hindi ko pa nagagawa, that of a leading lady,” na sinundan ng tawa ni Manoy sa pagbibiro niya.

Inihahanda na ni Eric Ramos ang script nila para sa coming MMFF 2019, titled Isa Pang Bahaghari na gusto ni Direk Joel ay gampanan nina Superstar Nora Aunor, actors Christopher de Leon and Tirso Cruz III.

Samantala, sa special presscon, na-announce na rin ang MMFF officials para sa schedule ng submission ng entries. Ang deadline for submission ng scripts ay sa May 31, 2019 (Friday) not later than 5pm.  Wala na itong extension.  Ang mapipiling four (4) official scripts ay ia-announce sa July 5, 2019, Friday.  Wala na rin itong extension.

Ang submission ng finished entries, not later than October 15, 2019 (Tuesday). Ang parade of stars ay magaganap pa rin sa December 23, 2019 (Monday)

Awards night on December 27, 2019 (Friday) Showing of official entries in all Metro Manila Theatres and participating provincial theatres on December 25, 2019 to January 7, 2020.

52ND ANNUAL WORLDFEST-HOUSTON INTERNATIONAL FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with