Angelica Panganiban
Angelica may pumipigil bumalik ng bansa!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 7, 2019 - 12:00am

Ayaw na bang bumalik ni Angelica Panganiban sa Pilipinas dahil enjoy siya sa bakasyon niya simula pa noong April na una siyang nagpunta sa Hong Kong, tumuloy siya ng Japan, then sa Las Vegas, New York, California, Hollywood. Ang last post niya nasa Santa Monica Pier siya in California.

Kung dati ay travel buddy ni Angelica ang best friend na si Glaiza de Castro, this time hindi sila magkasama, dahil ba may boyfriend na si Glaiza? Pero bakit ganito ang mga tweets ni Angelica?

“Paano ako aalis... paanooo... naiiyak ako.  Waaah. Gusto ko na naman mag-walling paakyat.”

 “Alam mo now, nililito mo feelings ko kung mag-eextend ako o finally sasakay na ko ng eroplano!!!”

“NO WAY!!! PAUWI NA KO!”

As of the moment, wala pang bagong tweet or post sa kanyang Instagram si Angelica. Maaaring natuloy na siyang umuwi, o nag-stay pa rin siya. Kita kasi sa mga posts niya na nag-ienjoy siya sa kanyang bakasyon.

Derek at Andrea pinaghandaan ang isa’t isa

Tapos na ang bakasyon, kaya ang mga bida ng The Better Woman na sina Derek Ramsay at Andrea Torres ay simula na sa trabaho.

Ilang araw munang nagpalamig si Andrea sa tubig ng Maldives kasama ang mommy dearest niya at si Derek naman, kasama ang kanyang fa­mily sa Vietnam.

Pagbalik ng bansa, una munang hinarap nina Derek at Andrea ang shoot ng GMA Summer Station ID kasama ang iba pang Kapuso stars na may shows ding sisimulan ngayong summer, like sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado ng Love You Two at sina Sanya Lopez, Winwyn Marquez, Pancho Magno at Benjamin Alves ng Dahil sa Pag-ibig.

Nag-look test na sina Derek at Andrea para sa mga roles nila sa serye na ididirek ni Mark dela Cruz, kasama nila si Ina Feleo. Sa photos na lumabas na very comfortable na silang magkakasama to think na first time nilang magka-katrabaho sa isang project. Sabi ni Derek sa dalawa niyang leading ladies, sign daw ito na magiging smooth ang kanilang samahan tuwing ta­ping day nila.

Kumusta naman si Andrea? “You get to see the other side of Andrea, which to me is very, very important,” sagot ng hunk actor.

Nakangiting dagdag ni Derek na nakikilala na niya si Andrea kahit ilang araw pa lamang silang nagtatrabaho.

Eh, si Andrea?

“Pinaghahandaan ko rin talaga ang role ko at gagawin ko ang lahat para mabigyan ng justice ang character ko,” sagot ni Andrea. Ngumiti lamang si Andrea nang tanungin kung ano ba ang character na gagampanan niya sa The Better Woman.

Just asking: Si Ina Feleo ba ang ipinalit kay Jessy Mendiola na dapat ay siya raw makakasama nina Derek at Andrea sa Better Woman? Hindi lamang natuloy si Jessy dahil hindi nagkasundo ang usapan sa kanyang side at sa GMA Network.

ANGELICA PANGANIBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with