Maine, Arjo
Maine at Arjo, tamis-tamisan uli sa pa-birthday ng fans!
Gorgy Rula (Pang-masa) - May 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinaluhan ni Maine Mendoza ang pang-apat na pa-birthday party sa kanya ng mga fans na ginanap sa Cities Events Place sa Quezon City nung nakaraang Sabado, May 4 nang gabi.

Mala-bohemian ang theme ng party na kung saan nakikitang ginastusan din ng mga fans ang pagdiriwang na iyun.

Kaagad na nag-trending nga ang #MaineAt24HavanaNights sa dami ng mga ipinost ng fans.

Nagmula pa pala sa Amerika ang iba, at may grupo pa ng fans na galing ng Cebu.

Kaya tuwang-tuwa si Maine sa ibinuhos na pagmamahal ng mga loyal fans.

Ramdam niya ang pagmamahal ng fans dahil tinanggap nila si Arjo Atayde na kasama niyang dumating nung gabing iyun.

Nakita naman sa mga ipinost nila sa social media na nagtitilian silang lahat nang tinawag si Arjo sa stage.

Nagpaunlak naman ang Kapamilya actor ng isang kanta na sumabay sa bandang nag-perform doon.

Nababasa rin namin sa thread ng fans na nirerespeto nila ang desisyon ni Maine sa kanyang personal na buhay. Labas naman daw sa kanyang showbiz career ang kung ano mang merong relasyon sila ni Arjo.

Sabi nga ni Maine sa kanyang mensahe sa naturang party; “Thank you sa walang sawang suporta na alam naman natin na hanggang ngayon nandito pa rin at patuloy na nagsusuporta at nagmamahal kung ano man ang desisyon ko sa career o sa personal na buhay, maraming salamat po.

“Nakakatuwa sa puso na may mga taong tanggap ang mga bagay na gusto kong  mangyari sa buhay ko, at kayo po yun. Kaya maraming salamat po sa inyo.

“Sana masaya tayong lahat, at sana mahaba-haba pa ang pagsamahan po natin.”

Sa twitter din ng mga fans ni Maine namin nakita ang video na umalis sina Maine at Arjo na ang sweet nilang tingnan.

Naka-akbay si Arjo kay Maine at nakahawak naman sa baywang si Maine kay Arjo.

Sa ipinapakita ng dalawa, parang ayaw namin maniwalang ‘exclusively dating’ pa rin sila.

Pero gusto na nilang manahimik pagdating sa kanilang relasyon dahil wala nga namang kinalaman ito sa kanilang showbiz career.

Tumanggi nga ang manager ni Maine na si Rams David ng Triple A na magbigay ng pahayag kaugnay sa dalawa dahil personal relationship naman daw ito ni Maine.

Kaya kahit nakini-kinita nang pagkabuwag ng AlDub loveteam, buo pa rin naman ang suporta ng fans.

Masaya ang fans para kay Maine, at solid din ang suporta ng fans ni Alden Richards sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

Ngayon pa lang nga ay inaayos na nila ang pa-block screening para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na katatapos lang ng shooting sa Hong Kong. 

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with